Showing posts with label Apprehension. Show all posts
Showing posts with label Apprehension. Show all posts

Monday, March 23, 2009

Lunes...

Timbangin ang mga bagay-bagay sa buhay ng mabuti. Fools are lost by not thinking. They never conceive even half of things. At dahil hindi nila naiisip ang maaring kabutihan o kasamaan ng isang bagay, gaano man ka simple o ka kumplikado ito, sugod lang ng sugod, bira lang ng bira, minsan tutunganga na lang. Kaya naman ang katapusan o kinalaunan, nahuhulog sila sa isang sitwasyon na parang ang hirap lagpasan. May iba sinasabi na okay lang yun, tutal may mga aral kanaman mapupulot o matututunan sa kinalaunan. Parang “insurance” sa anuman balak mo gawin o ginawa mo, hindi ka lugi. Natatawa ako. Huwahahahaha!

Maaring totoo. Sapagkat sa lahat nga naman ng bagay na nangyayari, may dahilan. Eh paano kung ayaw mo tignan o alamin ang dahilan? Paano kung ikaw mismo ang pumipigil sa sarili mo matuto? Kailan mo nga ba masasabi na natuto ka nga?

Kahapon, ngayon at bukas. Some ponder things backward, applying much attention to what matters little, and little to what matters much. Many people lose their heads because they have none to lose. Sa lahat ng aspeto ng buhay, nagigising nalamang sila isang araw na nauubos na ang lahat, huli na ang lahat. Mapa sa trabaho, pangarap, pagkakaibigan at pati narin sa pagibig.

Reflection and apprehension are two different things, as being safe and ridiculously insecure are different. These are the things we should consider very carefully and keep well rooted in our minds. The wise weigh everything: they delve into things that are especially deep or doubtful, and sometimes reflect that there is more than what occurs to them. They make reflection reach further than apprehension.

Kamakailan lang nakausap ko ang isang kaibigan. Bakit nga ba ganun? May mga tao na sadyang hindi nila namamalayan ang oras na dumadaan. Ang mga nasasayang na pagkakataon upang ayusin ang sarili at direksyon ng buhay nila. Yung para bang inasa na sa mga tao sa paligid nila ang kanilang kinabukasan. Yung parang alang sariling diskarte sa buhay. Naghihintay ng awa? Sadyang katamaran ba o katigasan ng ulo? Meron nga bang ipinangangak na loser? Haaay. Nakakalungkot.

Reflection and Apprehension. Dalawa lang yan eh. Either you’re incredibly smart or unbelievably stupid. Either way it’s always our call. Ganun nga siguro yun. We’ll never know. Ang alam ko lang Lunes ngayon, yun yon eh!