Showing posts with label Mensahe. Show all posts
Showing posts with label Mensahe. Show all posts

Thursday, June 18, 2009

Get Moving Dylan!

For the next 24hrs, haharap ako para kay Dylan.
Kaya ganyan ang po header ko.
It goes to show I want your attention.
You asked for it, So here it is...
This is for you! :)
Dylan,

We haven't met before.
I don't know who you are.
I don't know the details of your circumstances,
I don't even know your real name,
All i have are mere glimpses of your thoughts and feelings,
probably masking certain things very dear to your heart.
But they do tell a lot, actually they tell everything.
I think you're a very special person.
And i really mean that, but let me tell you this...
Some people wait for others to make them happy.
Some let others set the mood and attitude of their everyday lives.
Some let others determine the whens, hows, whys,
and ifs of their lives.
But the truth is, waiting for others to decide to do things with us
risks our never doing anything at all.
Being "Dimaubusan" is a gift, but rigidity often
hampers the spontaneity of our lives.
It is not necessary to plan every second of our lives.
And even if we do, we must be willing to be surprised
at those plans and how they often take on new shape.
I know you have a good and blessed heart Dylan.
I can pretty much read how your clever mind works.

All I wish for you is to be happy...
To have that true joy you deserve...

So what's my point?

Drink something else aside from coffee!
LOOSEN UP!
God is on your side!
Get Movin!

Happy Birthday Dylan!
You spin my head right round...
Follow my lead...
Dance with me!
It's time to PARTY!
CHEERS! :)

-Orakulo

Wednesday, June 17, 2009

Acceptance and Respect

"Where there is no vision, the people perish"
- Proverbs 29:18

Be it in Friendship or Love...
Vision implies spontaneity, surprise, creativity and wonder.
It opens our minds to acceptance and respect.
Acceptance recognizes and honors our differences.
Respect refuses to make assumptions about others;
it listens and learns from each person.
Both self-worth and dignity flourish when we give acceptance and respect.

Happy 1,2,3,4 Monthsary Mark and Riza!
Time flies really fast...
Keep acceptance and respect alive...
Wishing you all the Best!
God Bless!

- ORAKULO

Monday, March 30, 2009

Blind Justification

Madalas, ang mga kunsepto natin sa isang bagay ay nalilikha batay sa ating mga pansariling interest, at marami tayong maaring gawing dahilan upang patunayan ito. Karamihan ang isang panghuhusga ay may kadikit na emosyon. Kaya naman madalas rin na makasalamuha tayo ng tao na may magkasalungat na opinyon na ang bawat isa ay iniisip na tama sila.

Ngunit ang katotohanan ay iisa lamang, hindi kailanman nagiging dalawa ang mukha nito. Sa mga ganitong pagkakataon dapat lagi tayong mag-iingat sa pamamagitan ng tamang pag-iisip at pantay na pagtingin.


Sometimes, it is best to take the other side's opinion, cautiously revising our own. Examining our motives from the other's point of view. That way you will neither condemn him, nor justify yourself so blindly...



Tsk! Tsk! Tsk!

Natawa ako ng bonggang bongga. Haaaay.
Ignorance is bliss talaga minsan!

Bakit nga ba may mga taong sadyang hindi natututo sa nakaraan?

Na para bang lahat na lang ng bagay na kanilang ginagawa ay may lusot?

O yung tipong itatago niya, tapos saka ka aamin pag huli na siya?
Tingin mo ba talaga baliwala lang ang mga ganung bagay?
Hindi ka na ba talaga magbabago? Matakot ka naman sa Karma.
Wala na nga nangyayari sayo ganyan ka pa. Tsk. Totoo.
An idle mind is a devils playground.
Nakakatakot ka aba!

Understanding and pity can't help you.
Maawa ka naman sa mga may concern sayo.
Huwag ka magtago sa kumot ng awa o pagkukunwari.
You have have to grow up by yourself.

Patuloy tumatakbo ang oras.
Oras na hindi mo na maibabalik.
Kaibigan, God bless you.

Thursday, March 19, 2009

17


Summer na. Mainit na ang simoy ng hangin. Kaya ko na maligo ng hating gabi sa malinis na ilog katabi ng aming bakuran. Na-miss ko kayo, na-miss ko ang blogosperyo. Ilang araw din akong parang trumpo na parang wala ng bukas sa dami ng dapat gawin at tapusin. Mga samu’t saring responsibilidad. Kaliwa’t kanan na problema na tila walang katapusan, ngunit sa awa naman ng Diyos, tibay ng loob at disiplina, natatapos din. Ang sarap sa pakiramdam ng makapag-relax sa tubig. Ang magpalutang ng payapa habang nakatitig sa mga bituin sa langit. Isang maaliwalas at tahimik na gabi upang makapagpahinga at makapag muni-muni.


Kanina lamang, nagpasama ako kay Mark sa department store upang ipaayos ang na-“virus” kong PSP. Batid ko ang kaligayahan at kasabikan sa mga mata at kilos ng aking matalik na kaibigan. Bagama’t pagod at galing sa sakit, hindi ito naging balakid upang pag-isipan at paghandaan ang unang monthsary nila ni Riza. Ang naging susi upang siya ay mapalaya. Ang dahilan upang maramdaman muli ang tibok ng puso na nagbibigay buhay at kulay sa lahat ng kanyang ginagawa.

Bagama't maraming pagkakaiba, maganda ang chemistry ng dalawa. Si Riza ay makulit, masayhin, maalalahin at adventurous. Habang si Mark ay tahimik, may pagkaseryoso, disiplinado. at matured. Pareho silang masipag at may matinong pinagkakaabalahan. Bagama't graduating ngayong buwan para sa kanyang masteral degree, si Riza ay may maliit na carenderiang negosyo malapit sa simbahan ni Mark. Habang si Mark naman ay junior executive ng citibank call center sa Ortigas.

Napakabilis ng oras. Nakakatuwa isipin ang realidad buhay. Sa pagkilos ng panahon, laging kaakibat nito ang pagtatapos at muling pagsisimula. Ang kinakailangan lamang ay tibay ng loob, tiwala at pag-ibig sa sarili, at sa paniniwalang may mabuti at magandang plano ang Diyos na mahabagin sa ating lahat...


Para Kay Mark at Riza

And things can never go badly wrong
If the heart be true and love be strong,

For the mist, if it comes, and the weeping rain
Will be changed by love into sunshine again

Love one another, but make not a bond of Love;
Let it rather be a sea between the shores of your soul.


Wishing you all the Best!
Happy 1st Monthsary!

-Orakulo

Saturday, February 28, 2009

Liham para kay Saul (updated)


to all the bloggers:
guys sorry if ganito ang post ko..medyo troubled lang talaga ako..i m doing ok na..wag na kayong mag-alala at sana di kayo galit.. - saul krisna

Nais ko man sakalin ka sa aking
sariling mga kamay sa mga oras na ito,

at paluin ng dos por dos
ng isang daan beses sa iyong puwitan,

hindi nito maitatago
ang aking kagalakan na ikaw ay nanatiling nandyan pa.

Hindi tama sabihin na "okay lang yun" Saul,
pero okay lang yun kasi sabi mo you're doing okay na...
Sana yung okay na yun ibig sabihin aayusin mo na sarili mo.
Na natuto kana.
O sisikapin at gagawin ang lahat
upang ayusin ang iyong sarili at buhay.
Makita ang liwanag sa dilim.

Gusto kita sapakin at bugbugin sa mga oras na ito...
Pero yayakapin na lang kita dahil pinili mo gawin ang tama.

Panalangin ko ang pagbabago ng iyong pananaw sa buhay,
sa mga taong nasa paligid mo, at lalong lalo na sa sarili mo.

Kilalanin mo ang Diyos Saul...


GOOD LUCK! GOD BLESS!

- ORAKULO =)

Original Post Date: 2/27/09
"Patawad sa Gagawin Ko..." - Lubha akong nabagabag sa post na ito ni Saul Krisna

Kaibigang Saul,

Sana mabasa mo ito. Una sa lahat, nais ko lang sabihin na hindi kapata-patawad yang iniisip mong gawin sa sarili mo. Marami na akong nakasalamuha na tulad mo. May ibang sadyang tanga, at meron din naman yung sobrang tanga! Pardon for the word my friend. But at least kahit papaano marinig mo ang totoo...
Ano ang ba ang nais mong patunayan sa gagawin mo? Sa bawat pagkakataon na sinasaktan mo ang iyong mortal na katawan? Ipagpalagay natin na sobrang pait at sakit ang lahat ng dinanas mo sa buhay mo, eh ano ngayon?! Mas lalo mo pa sasaktan ang sarili mo? Para makalimot? Para magpapansin? Para humingi ng awa? KALOKOHAN! KATANGAHAN! KAHIBANGAN!

Ang dami mong reklamo sa buhay! Lahat ng tao sinisi mo na. Sila lahat ang may problema. Na ikaw ang laging biktima. Ang pinaka kawa-awang nilalang sa mundo. Ikaw na walang kasalanan, ikaw na bukod tanging mabait. Pero sa sarili mo mismo ganyan ka? Paano ka rerespetuhin o mamahalin ng iba kung ikaw mismo ganyan sa sarili mo? UMAYOS KA NGA DYAN! UUPAKAN NA KITA EH!

Magalit ka na sa akin kung gusto mo, pero para sa akin NAPAKA SELFISH MO! Sarili mo na lang lagi ang iniisip mo. Kaya ka nagkakaganyan. Iniisip mo lagi ang mga bagay na you think you deserve. You demand for love and respect, but you can't even do it to yourself? Ang nakaraan ay nakaraan na. Huwag mo itali ang sarili mo sa kahapon! Sa lahat ng umapi sa iyo, sa nanloko sa iyo, lahat ng iyon natapos na. Nais mo ba mag higanti? Nakakatawa ka! Tingin mo may mababago ka sa nakaraan sa pamamagitan ng pagkitil ng iyong buhay? LINTEK KA!

Buhay mo yan. Pero hindi mabubura ng gagawin mo ang kahapon. Mas lalo mo lang pinatuyan sa sarili mo na hanggang ganyan ka na lang. Pag inisip mo na walang pag-asa, wala na talaga. Ngunit kung pipilitin mo lang mahalin ang sarili mo kahit kaunti lang, tanggapin ang lahat ng nakaraan upang magamit bilang binhi ng bagong buhay at kalakasan ng loob, makikita mo ang dahilan upang gumising araw araw. Pagkakataon na gawin ang tama, maranasan ang buhay na nais mong matikman.

Gawin mo ang gusto mo... Dalawa lang yan e...

Magpakamatay ka kung yan ang mararapatin mo...Pero pinatunayan mo lang na isa kang talunan! At tama lang na dinanas mo lahat ng pait na pinagdaanan mo.

O mahalin mo ang sarili mo, ayusin ang buhay mo para sa sarili mo. Makita ang ganda ng mundo at mga biyaya at talento na ibinigay sayo para magamit sa klase ng buhay na gugustuhin mo makamtan.


Sana piliin mo ang pangalawa. Sayang ka. Marami pang pwede mangyari sa buhay mo at nasasa kamay mo lahat yun. Wala sa nakaraan mo.
You may want to end your pains right now in that mortal life that you have, but think again my friend! You're about to make your pains last for an eternity.

Choose wisely. Choose to give yourself a chance! You deserve it!

Protektahan ka nawa ng mga Anghel ng liwanag sa gabing ito. Gabayan ka nawa ng Pag-ibig ng Diyos at hilumin ang puso at katawan mo. Mahal ka Niya. Mahal ka Namin. Mahalin mo Sarili mo.

May magandang bukas na naghihintay sa iyo! Pagkakataon mo na ito na gawin at maramdaman ang tama.

DO THE RIGHT THING! AT ALAM MO KUNG ANO YUN...

Kaibigang Nagmamahal ng Totoo,

ORAKULO