Showing posts with label Kahibangan. Show all posts
Showing posts with label Kahibangan. Show all posts

Wednesday, April 1, 2009

Luko-Loko!

Huwaaaw! Abril Na!
April 1.
Araw ng mga Luko-loko.
Araw ng mga nag Papaloko.
Ang saya-saya! Hehehe... :)
Eto si pareng Chip Tsao!
Bad ka!
Kung makapang lait kang lintek ka!
Feeling mo naman napaka superior ng race niyo!
Nation of servants ba kamo?

Nasobrahan ka ba sa Melamine ha?!
Oo, yung mga gatas niyong galing sa superior race niyo!
O nasobrahan ka sa Lead?!
Yung mga laruan niyong puno ng lason na Lead.
O baka naman nasobrahan ka sa mga pirated na DVD?!
Hindi ba galing lahat yan dyan sa inyo?!

Susmaryosep Chip Tsao!
Kung nation of Servants kami,
Eh anong tawag sa inyo ha?!

Alin bansa ang nag eexport ng mga Pekeng produkto?
Mula damit hanggang cellphone dyan galing!
Nation of Fakes and Cheaters!

Luko-loko!

Sabi nga ng kanta...
"Wise men say, Only fool rush in..."
In everything. Sa lahat ng aspeto ng buhay.
Nagmamadali na parang alang bukas.

Shoot agad bago aim.
Haaay naku. Kailan ba tayo matututo?
Kung bakit ko nilagay itong picture na ito,
Kayo na bahala i relate sa sinabi ko...
hahahaha!

Happy April Fools Day!
Mabuhay ang mga Luko-loko!

Enjoy-enjoy!
Hehehe!
:)

Tuesday, February 10, 2009

Pusong Nalilito...

Ang pag-iibigan ng dalawang puso ay tunay na masasabing hindi parte ng mundong ito. Ito ay yung mga panahon na tingin mo kumpleto ka. Masayang masaya ka dahil meron kang minamahal, at minamahal karin nito pabalik.

Ngunit sa bawat relasyon, may mga pagkakataon na dumadating na tila ang isa ay naghahanap ng pupuno sa pagkukulang ng isa. May mga pangyayari na hindi sinasadya, at mga sitwasyon kung saan bigla pumapasok ang duda sa minsan ay inakala mong "perfect" and "secured" relationship.


Naranasan mo na bang lokohin ang iyong mahal?
Naranasan mo na bang maloko ng iyong iniibig?


Ito na siguro ang pinakamasakit na ating mararanasan sa ating buhay. Mas masakit pa keysa sa mamatayan. May iba tuluyan pang nababaliw o nagpapakatiwakal dahil dito. Ang hindi kayanin o lubos maisip na magagawa ito ng isang tao na pinagkatiwalaan ng kanilang puso.

Si Mark ay matalik kong kaibigan. Girlfriend niya si Elsa na kung saan mag fo-four years na sila sa darating na isang buwan. Maganda ang chemistry ng dalawa. Para silang tunay na magbestfriend kung tutuusin. At sa tagal nilang magsyota, masasabi kong marami narin silang napagdaanan. Tulad sa anumang relasyon may mga pagkakataon din na sila ay nagkakatampuhan, nag-aaway at ilang ulit narin na nag-break tapos nagkabalikan.
Kung tutuusin, matindi ang pagmamahal ni Mark kay Elsa. Masasabi ko nga na martyr nga ito.
Si Elsa ay masasabing liberated na babae. Sa tatlong taon na kanilang pinagsamahan, maraming maraming beses nag nangaliwa si Elsa, at ilang beses narin siyang pinatawad ni Mark.

Para kay Elsa ang mga pangangaliwang kanyang ginawa ay gawa lamang ng pangangailangan ng katawan. Sex lang daw yun at hinding hindi niya maaring pakawalan si Mark. Si Mark lang daw ang tanging mahal niya at nais niyang makasama habang buhay. At si Mark naman, bilang isang lalaking matindi ang pasensya at tunay nga namang mahal na mahal si Elsa, laging nagpapatawad at umiintindi. At ako bilang kaibigan, suportahan ko na lang. Tutal mukha nga naman masaya talaga siya eh.

Eto ngaun, Si Mark may nakilalang bagong kaibigan na itago na lang natin sa pangalan na Riza. At pansin ko ang kasiyahan ng aking kaibigan kay Riza. Na tila sobra siyang excited sa kanyang nadarama. Na para bang nais pa niya lalong makilala si Riza ng lubusan. Ramdam ko ang kasiyahan at kasabikan ng kanyang puso. At para sa akin may karapatan din niya maging masaya lalo na sa lahat ng kanyang pinagdaanan...

Sa tingin niyo, ano nga ba ang dapat ipayo ko?....

(itutuloy...)