Huwaaaw, Marso na!
Ewan ko ba, pero ito ang paborito kong buwan sa buong taon…
Napakabilis kung tutuusin. Dalawang buwan ng 2009 tapos na…
59 na araw, 1,416 na oras, 84,960 na minuto, 5,097,600 na segundo.
Dumaan na panahon na hindi na muling maibabalik.
Sabi nga, parte na ng kasaysayan ng ating buhay.
Kasaysayan na patuloy bumabago sa ating sarili.
Humuhubog sa ating pagkatao at mga mithiin.
Mga halu-halong pangyayari, maliit man o malaking bagay…
May saya at lungkot. Pagod at pahinga. Ngiti at simangot.
Halakhak at iyak. Duda at tiwala. Pangamba at kasiguruhan.
Inis at kagalakan. Tagumpay at pagkabigo, Pag-asa at kawalan nito…
Sa hilagang bahagi ng mundo ito ang simula ng Spring…
Panahon kung saan ang yelo ay nagsimula na matunaw…
Pag-usbong ng mgagandang bulaklak at halaman…
Sa atin dito naghahalo ang init at lamig ng panahon…
Syempre, ito rin ang inaasam na buwan ng mga gradweyting…
Matapos ang mahabang panahon ng pag-aaral, totoong buhay na…
Sa larangan ng astronomiya, dito papasok ang Spring Equinox.
Kung saan sakto ang bilang ng oras ng dilim at liwanag.
Ito yung panahon na maeenjoy mo ng husto ang sunrise at sunset…
Kung baga, ito ang panahon ng kalagitnaan...
Point Zero sabi ko sa sarili ko…
Panahon ng pagsibol. Bagong Buhay. Bagong Pag-asa.
Hindi ito katulad ng New year nakabatay sa petsa sa kalendaryo…
O ang Chinese New year na nakabatay naman sa buwan…
Ito ang natural na panahon sa kalikasan upang magsimula muli….
Isang buwan na ang Orakulo sa blogosphere…
Sa totoo lang, hindi nakukumpleto ang araw ko na wala ito...
Sa pagpasyal sa mga samu’t saring pahina ng buhay…
Sa pagmumuni-muni ng mga ka-adikan at kabaliwan...
kahibangan ng tao kasama ako…
Sa pakiki-epal...
Pagbigay ng maikli o mahabang opinion sa bawat paksa…
Mga kwento at saloobin na tunay namang mapupulutan ng aral...
Mapa pag-ibig, trabaho, pagkain...
Pagkakaibigan, pananampalataya atbp…
Hangad ko ang patuloy na pakikipagtalastasan....
Ng isip at puso ng bawat isa....
Magandang samahan at totoong pagkakaibigan sa mundong ito…
Ang daming pwedeng matutunan at maintindhinan…
Mga aral na hindi tinuturo sa mga eskwelahan o unibersidad…
Paaralan ng buhay kung saan lahat tayo ay guro at estudyante…
Maraming Salamat Po!
Sa aking inspirasyon naman, ang aking pinakamaMahal…
Ang dahilan ng lahat ng ito. I owe this to you. Thank you so much…
Masayang masaya ako dahil mabuti na kalusugan mo…
Goodluck sa bago mong work. Alam ko kayang kaya mo yan!
Medyo mahirap mag-adjust.
Bagong environment and set of people…
New tasks, challenges and pressures and all...
Basta take it easy, relax, focus...
Believe in yourself, the way I believe in you….
Don’t worry sa expectations nila...
Concentrate on your own expectations…
Your set goals and aspirations...
Sa lahat ng pagod at pangamba...
Huwag ka mag-alala.
Nandito lang ako sa likod mo lagi...
Naka abang, patiently waiting…
Handa sa anumang mangyari, ako bahala, maniwala ka….
Lagi kang kasama sa aking mga panalangin…
Hinahanda ko na ang grandeng bakasyon natin…
Hindi ko alam kung nababasa mo ang mga nandidito…
Sana hindi! Sayang ang surprise! Wehehehe. =)
Alagaan mo lagi health mo. Bawas sa salty food.
Lots of water and enough rest, vitamins!
May naaalala ka ba sa picture na yan?
Hmmm… Tinago ko yan… Hehehe… =p
Alam ko ninenerbyos ka, ramdam ko.
Pero alam ko rin na excited ka... =)
Smile ka lang lagi, tiyak makukuha mo sila.
Cge kuha ka lang, may kasamang swerte yan.
Wishing you the best as always...
I love you! - Orakulo