Friday, March 13, 2009

Tampo sa Kaibigan

Ako ay patawarin aking kaibigan,
Ako'y nasaktan at hindi naiwasan.
Pusong nasugatan ay aking tinalikuran,
Sa tulong mo ako ay nanindigan.

Matibay man ang aking kalooban,
Ngunit hindi manhid sa manlilinlang.
Panalangin ko ang inyong kabutihan,
Kahit ako'y patuloy na nahihirapan.

Hindi ko kayo pinagdududahan,
Ako lamang ay huwag malimutan.
Sandigan ninyo sa lahat ng kahinaan,
Saan ako tatakbo aking kaibigan?


Sa dami ng bagay ng ating pinagdaanan,
Ang aking hiling ay simple lamang.
Ako'y intindihin paminsan-minsan,
Dahil pakiwari ko'y di mo naaanigan.

Ang kasiyahan niyo ay aking kagalakan,
Dahil ikaw at ako ay kapatid naturingan.
Dalamhati ko ay iyong paniwalaan,
Sapagkat ako ay tunay na tao lamang.

Bagama't sa ngayon ay hindi kasabayan,
Huwag sana limutin ang ating pinagsamahan.
Hindi ako madamot sa inyong kagustuhan,
Ngunit sana naman dangal ko'y pangalagaan.

(Pangalawang Friday the 13th ng 2009)

17 comments:

~yAnaH~ said...

kung talagang tunay ang pagkakaibigan, kahit ano mang pagkakamalingmagawa ng isa, mapapatawad at maayos din yan.
kaya't kung totoo ang inyong pagiging magkaibigan, wag mangamba...aayon sa kagustuhan mo ang lahat..

SuperGulaman said...

uu nga panagalawang friday the 13th nayun...pero katulad ng nakaraan...araw ng sweldo ito kaya hindi malas...wag lng maholdap at yun ang malas....

nice poem...wag na aksing magtampo... aheks... :)

gillboard said...

hmmm... ano kaya nangyari sa magkaibigan? umaandar pagkachismoso ko...


nacurious lang... hmmm..

Mike Avenue said...

K - Kung
A - Ang
I - Iyong
B - Bestfriend
I - Iniwan ka,
G - Go forward
A - Andito
N - Naman

K - Kami:
A - Ang
M - Mga
I - Internet buddies

P - Para
A - Alalayan ka
R - Rito
E - Erap!

:)

Mike Avenue said...

K - Kung
A - Ang
I - Iyong
B - Bestfriend
I - Iniwan ka,
G - Go forward
A - Andito
N - Naman

K - Kami:
A - Ang
M - Mga
I - Internet buddies

P - Para
A - Alalayan ka
R - Rito
E - Erap!

:)

Chyng said...

^
^
^
ang galing ni Mike!

Starcity ba yung keychain? tama?

MarcoPaolo said...

Tama si MIKE... KAIBIGAN KAMI PARE... inulit ko lang e noh... hehehe...

tamang tampo lang yan... maayos din yan for sure... ganda ng tula mo parekoy...

ingat ingat :)

Lord CM said...

Bigyan mo ng Powerhug...o kaya kiss mo muna sabay hug...sigurado bati bati na kayo :D

Anonymous said...

aking kaibigan di ko sinasadya ang mga bagay na magpapasakit sayo...
alam ko at naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon...
mahirap sayo na maintindihan kung ano ang ginawa ko...
NGUNIT ito'y di sinasadya nagkataon lang lahat ng pangyayari..
di ko nais na masaktan ka...
di ko nais na mag isip ka...
di ko nais na manakit ng isang tunay na kaibigan...
SANA MAPATAWAD MO AKO...
.........besquipil.......

RJ said...

[Kailan lang ako nagawi rito sa Orakulo kaya hindi ako masyadong maka-relate sa mensahe ng iyong tula. Isa pa, hindi ko masyadong nakukuha ang laman ng Blogger profile mo, masyado kasing malalim. Kaya ito nalang ang sasabihin ko:]

Mahusay kang nanunulat, napakamakata! o",)

angel said...

lhat nman tyo dumaranas na minsan meronng tampo sa isang kaibigan, di nman talaga maiiwasan ang ganyan. pero kung iisipin ntin pwde nmang di lumala or tumagal basta marunong lng tyo mag patawad at tumanggap ng pagkakamali...
sana maayos na ang inyong tampuhan:) god bless...

jhosel said...

yup. tama si kuya mike. andito din kami na mga online friends mo..

pero siyempre mas maganda kung ala kayong tampuhan ng mga friends mo.. normal na paminsan minsan may mabubuong conflict pero dahil din naman sa tunay na pagkakaibigan at love nio sa isat isa as friends.. malalampasan nito ang anumang pagsubok. :)

Mayyang said...

Hmmmm...kaibigan?

sila yung andyan para icomfort ka lalo na pag may problem ka..

pero hindi maiiwasan na hindi kau magkaintindihan.. at maaayos lang yun kung mahal niyo ang isat isa..tiwala sa isat isa....

a friend is the one who will understand you all the time...kahit tinotopak kna..andyan prin cla sau..

kaya....ui, andito si MAYYANG!

Dylan Dimaubusan said...

Galing nito ni Mike, bilib talaga ko woh!..

Uhm anu na nga ba sabi ng tula?...teka...

Kala ko di ka talaga tao..wehe.. Di mo naman talaga maiiwasana ng coflict sa lahat ng klase ng rel'p, alam mo yan..:) Tst of character yan o kung saan aabot ang pagkakaibigan..

Harinawa'y maging maayos na kayo..

Awww. si Anonymous ba iyon?
Nandito pala't nabasa na.. siguro naman kahit di kayo magkaintindihan ay maging matatag na ang samahan nyo bilang magkaibigan..

;)

A-Z-E-L said...

mapapatawad ka ng isang Tunay na Kaibigan...

sanay maayos na yan. :)

darkhorse said...

hataw sa poem dre! nice one malalalim na tagalog pa...tc

ORACLE said...

TO ALL...

Drama lang... hehehe...

Okay na kami... Thanks... :)