Thursday, March 19, 2009

17


Summer na. Mainit na ang simoy ng hangin. Kaya ko na maligo ng hating gabi sa malinis na ilog katabi ng aming bakuran. Na-miss ko kayo, na-miss ko ang blogosperyo. Ilang araw din akong parang trumpo na parang wala ng bukas sa dami ng dapat gawin at tapusin. Mga samu’t saring responsibilidad. Kaliwa’t kanan na problema na tila walang katapusan, ngunit sa awa naman ng Diyos, tibay ng loob at disiplina, natatapos din. Ang sarap sa pakiramdam ng makapag-relax sa tubig. Ang magpalutang ng payapa habang nakatitig sa mga bituin sa langit. Isang maaliwalas at tahimik na gabi upang makapagpahinga at makapag muni-muni.


Kanina lamang, nagpasama ako kay Mark sa department store upang ipaayos ang na-“virus” kong PSP. Batid ko ang kaligayahan at kasabikan sa mga mata at kilos ng aking matalik na kaibigan. Bagama’t pagod at galing sa sakit, hindi ito naging balakid upang pag-isipan at paghandaan ang unang monthsary nila ni Riza. Ang naging susi upang siya ay mapalaya. Ang dahilan upang maramdaman muli ang tibok ng puso na nagbibigay buhay at kulay sa lahat ng kanyang ginagawa.

Bagama't maraming pagkakaiba, maganda ang chemistry ng dalawa. Si Riza ay makulit, masayhin, maalalahin at adventurous. Habang si Mark ay tahimik, may pagkaseryoso, disiplinado. at matured. Pareho silang masipag at may matinong pinagkakaabalahan. Bagama't graduating ngayong buwan para sa kanyang masteral degree, si Riza ay may maliit na carenderiang negosyo malapit sa simbahan ni Mark. Habang si Mark naman ay junior executive ng citibank call center sa Ortigas.

Napakabilis ng oras. Nakakatuwa isipin ang realidad buhay. Sa pagkilos ng panahon, laging kaakibat nito ang pagtatapos at muling pagsisimula. Ang kinakailangan lamang ay tibay ng loob, tiwala at pag-ibig sa sarili, at sa paniniwalang may mabuti at magandang plano ang Diyos na mahabagin sa ating lahat...


Para Kay Mark at Riza

And things can never go badly wrong
If the heart be true and love be strong,

For the mist, if it comes, and the weeping rain
Will be changed by love into sunshine again

Love one another, but make not a bond of Love;
Let it rather be a sea between the shores of your soul.


Wishing you all the Best!
Happy 1st Monthsary!

-Orakulo

19 comments:

Anonymous said...

bakit 17? first monthsary ito di ba?

bakit may legs? ito ba ang Legs tag ni Amor at Lord CM?

bakit ako tanong ng tanong? ang bagal kasi gumana ngayon ng utak ko...ayaw mag-comment eh...gusto lang daw nya ay ma-inlab, grabe pati utak ko kinain na ng puso dahil sa post na ito...well, nakakarelax naman ito... :D

Dhianz said...

... galing moh tlgah magsulat sa post...

...happy monthsarry sa kanilah... sendali sino bah sina mark and riza?...

...hayz sarap nga yang pag inluv kah... yan ang walah akoh ngaun sa buhay koh... pero okz lang... panapanahon lang... and God will give it 2 meeh in his perfect timing....

...ingatz lagi oracle.. Godbless! -di

eMPi said...

Naks naman (sabi nga ni mulong)... nagbalik ka na parekoy... galing naman ng post mo... pero teka parang pareho kami ng katangian ni Mark ah... hehehehe...


magandang araw sayo oracle! ingat ingat :)

2ngaw said...

Un ang masarap, palutang lutang sa ilog sa dis oras ng gabi...pero syempre dapat buhay ka lolzz

Anonymous said...

iba ka tlga Oracle mag sulat

ang gling mo

more powers sa 2 mark and riza
ang sweet naman nila
iba tlga kapag inluv

masarap mag mahal
masarap tumawa kasama nang mahal mo
masarap mabuhay pag nandyan sa tabi mo mahal mo
masarap kumain pag kasama mo sya
masarap matulog pag katabi mo sya

PERO
pinaka masarap pag naramdaman mo NA mahal ka nang taong mahal mo

Anonymous said...

happy monthsary sa kanila
sana lalong tumibay at tumagal
ang kanilang pagmamahalan...

teka ikaw ba c mark, hmmm....
nagtatanong lng po hehehe

Anonymous said...

Nyaha! Natawa 'ko ka Anonymous, lalo na dun sa last ststement nya..

Tama nga naman.

1 month na ang blog mo? Anung meron sa 17? Wag mong sabihing ito ang edad mo? lolz
Kumusta naman yung PSP mo, naayus ba? San banda? Ipapaayus ko rin sana yung sa'min dito.. Disilpinado at matured ba kamo si Mark? Maraming naghahanap ng ganyan dito! Wahaha!

sensya na kung masyadong matanong..
Sige, HAPPY MONTHSARY NA LANG! Kay Mark and Riza ba? Ahehe

Cheers na lang!

. said...

Naks naman. Mukhang matindi rin ang emotional investment mo sa kanilang dalawa. Naging tulay ka siguro no?

Anonymous said...

Love is something eternal; the aspect may change, but not the essence.

Nakakahipo naman ng puso ang mga sinabi mo orakulo...
Matagal na din ako sumusubaybay sa Blog na ito..
Ano ba meron ka Orakulo??? Hanep sa Emotion...

Para kay Mark at Riza..
happy ako sa inyo ksi alam ko na mahal nyo talaga isa't-isa..
Sana wag kayo magsawa sa isa't-isa gawin nyo lahat ng makakaya nyo kahit mahirap...

Love is as much of an object as an obsession, everybody wants it, everybody seeks it, but few ever achieve it, those who do will cherish it, be lost in it, and among all, never... never forget it.


----(@_@)---

jhosel said...

aw. happy monthsary kina mark and riza.. sanay magtuloy-tuloy pa ang kanilang love..

at welcome back din sayo! ahehe.. di talaga kumukupas ang galing mo sa pagsulat! tsk tsk! galing!

ORACLE said...

@IdolG

17 kasi number nila... Hindi ko legs yan. Legs nila. Walang tatalo sa legs mo parekoy... hehehe

ORACLE said...

@Dhianz

Kaibigan kong matalik si Mark, at syempre ngayon malapit narin sa akin si Riza...

Salamat Dhi! Darating din yung para sayo... God Bless! =)

ORACLE said...

@Marco

Weh? Talaga? Baka naman ikaw talaga si Mark.. hehehe

ORACLE said...

@lordCM

Korek! Hahaha... Ang init na talaga dito. Sarap mag swimming gabi gabi...

ORACLE said...

@Anonymous 1

Salamt sa pag daan...

Totoo. Masarap umibig. Mukhang in lab ka ha... =)

ORACLE said...

@Angel

Hindi ako si Mark. Kaw ha... =)

@Dylan

17 ang araw ni Mark at Riza.
Oo, bibihira na talaga ang disiplinado at matured. Kaya bilis-bilisan mo na ang kilos, baka maubusan ka.... hehehe

ORACLE said...

@Mugen

Hehehe! Hindi naman. Kaibigan ko kasi si Mark....

@Anonymous 2

Ano ba meron ako? Ewan. Hehehe.
Alien ako eh. Lolz

Good luck! Salamat sa laging pagdaan.

ORACLE said...

@Jhosel

Salamat Jhosel! Hehehe...

Alam ko may utang pa ako sayo. At marami pa kayo. Basta sabay sabay ko nang ilalabas. Nakaka pressure ang tag aba! hehehe...

Ingat!!!

RJ said...

[Ayun, MALE nga! Matalik na kaibigan- Mark.]

"...si Riza ay may maliit na carenderiang negosyo MALAPIT SA SiMBAHAN NI MARK."

?! Naguguluhan ako. Magkaiba ba sila ng religion?

Bakit mo nasabing napakabilis ng oras? Na may natapos at may nagsimula? Dating broken-hearted si Mark, then nakilala niya si Riza? O dahil, sa dami ng mga sinimulan mong gawin, na parang trumpo ka, natapos mo rin lahat?!

Hinahanap ko sa post ang kaugnayan ng '17' bilang pamagat. Hindi ko nakita. Whew! Oracle, nahihirapan talaga ako sa blog mo, sa totoo lang.