CLASSROOM NI BRUNO Pag sinabing "Sit!", upo lang muna.
Huwag muna mag roll-over!!!
Kapag meron kang sinisimulan na bagay, aayusin mo ang mga kilos mo. Huwag mong itaas ang expectations ng iba. Madalas, ang pinupuri ay ang mga mabubuting gawa na hindi na-expect. Ang totoo, hindi kailanman nag-aabot ang imahinasyon at ang realidad. Napakadaling mag imagine na isang bagay ay perpekto, pero sadyang napa-kahirap makamtan ito.
Sadyang magkasama ang imagination at desires ng ating puso, kaya naman madali tayong nabubuluag sa katotohanan o halaga ng isang bagay o sitwasyon. Kahit gaano man ka excellent ito, hindi talaga ito ma sa-satisfy ang ating preconceptions. Kaya naman sa huli, pakiramdam ng marami nalugi at ang kagalingan ay huma-hantong sa disappointment imbes na pag-hanga.
Marami ang nabubulag sa realidad na ito. Ang magandang simula ay dapat magsilbing daan upang gisingin ang ating curiosity, hindi para itaas ang expectations ng iba. We are better off when reality surpasses our expectations, and something turns out better than we thought it would.
Ang pag-asa ay matinding manlilinlang. Gamitin ang mabuti at masusing pag mumuni-muni upang ito ay salain para ang tunay na kaligayahan ang mangibabaw laban sa imahinasyon.
15 comments:
Astig ka talaga pre!!!Saan mo nahuhugot yang mga yan? mukhang lalim ng pinaghugutan ng mga post mo eh :) ...
Sabi nga ni CM:
Saan mo hinugot ang mga katagang yan? Ang lalim....
"Napakadaling mag imagine na isang bagay ay perpekto, pero sadyang napa-kahirap makamtan ito."
--> Napakadali nga pero ang hirap makamit ang mga bagay na perpekto... pero sa tamang gawa at sa tamang pagkilos... siguro naman kahit hindi masyadong perpekto ang mga bagay na nasa imahinasyon natin ay makamit natin ito. Pero pag nakamit man natin ito... dapat may satisfaction para walang conflict... :)
at dahil mahilig talaga ako sa aso..
tinitiganko lng si Bruno sa monitor..
hindi ko naintindihan ang post mo.
ewan ko ba... naaliw ako sa aso lalo na pag marunong magproject sa camera! aheks!
next time naman liitan mo lng ang pix nila para mabasa ko ang sinulat mo! huhuhuhu! makaagaw attention!
Ang galing mag-project ng aso mo sa camera, parang artista, bagay din sa post mo yung facial expression nya, yun ba itinuro mo?
Your words are way too deep... but, "practice makes perfect" so they say..
Ganda ng mga pagkasabi mo dito parekoy ah...
bruno, kofi, mocha ang name nang mga dogs moh... kakatuwa naman... kakikita koh lang nung mga pictures... d2 koh na hihirit sa post mong itoh... cute naman... nd abahh.. paswimming swimming na lang silah sa pool... naaliw akoh sa name... parang kape lang... eh ba't 'ung isa bruno.... ang cute nilah... kakatuwah... tatlo aso moh?... me too... =)
d2 naman sa post mong itoh... abah.. marunong na silang mag-roll over?... 'la saken... sit and lie down... ayonz... alam kc nilah may prize eh... ganda nagn mga pictures... sensya na nde koh na gano naintindihan ang message nagn post... binasa koh pero alam moh 'ung binabasa moh pero nde moh naiintindihan tapos 'ung atensyon koh i think mas napunta sa picture ni bruno... at siguro kc kanina pa akoh nagbabasa sa blogsphere na halo halo na sa yutakz koh... at gutomz na ren akoh... at yeah aliw tlagah kc akoh sa mga aso... natawa akoh kc kanina sa store... merong dog 'ung isang customer... natawa akoh akala koh fake eh.... sabi koh nde gumagalaw... eh umiihi atah or nde lang talaga gumagalaw... wala lagn...wehe... sige.. next time ha... advisan moh akoh about love... wehe... ingatz... Godbless! -di
parang ang labo labo nung kinoment koh before ditoh... pasensya nah... gutomz na kc... kaya nag halo halo na pinagsasabi koh.. lolz... ingatz na lang lagi... Godbless! -di
wla pkowng mabasang matino ksi kagagaling kow lang sa lkwtsa eneweys parekowys ang cute nang asow mukhang taow,lol..maya balik akow ha ttulog lang muna !!
Napakadaling mag imagine na isang bagay ay perpekto, pero sadyang napa-kahirap makamtan ito.
The concept of perfect simply puts a limit on our future. When we have an idea of perfect in our mind, we open the door to constantly comparing what we have now with what we want.
Gustong-gusto ko yung sinabi mo about preconceptions and how these can lead to disappointments instead of plain admiration or appreciation..Madalas, our preconceptions confuse us all the more and hinder us to seeing life's beauty..
ganda po ng post na ito..reality check sakin :)
ingat po..alaways. :)
@lordCM
Galing sa kalawakan parekoy! Lolz... :)
@Marco
True. Ang tanong eh kung ang satisfaction ba ay state of mind o isang desisyon? hmmmm.... :)
@AZEL
May star complex kasi etong si Bruno.
Kahit saan agaw pansin. :)
@Dylan
Ganyan lang talaga si Bruno, mahilig sa camera. Ewan ko ba... :)
@MOTS
Salamat...Hope ur doing well. :)
@Dhianz
napapa ngiti mo talaga ako miss dhianz sa mga comments mo. Wow! tatlo rin dogs mo? Cge. Arrange kong mag eb sila.... lolz! Ingats! :)
@Amor
Lolz! cia! Pahinga mabuti kapatid.... :)
@Elaine
Glad to be of help Ms. Elaine. :) You keep your cool. :)
Post a Comment