Tuesday, March 10, 2009

Pag-Subok sa Pag-Ibig

Habang nilalakad ko si Choco sa maliit naming bakuran, nakakita nanaman ako ng bulalakaw. Ngunit ang bulalakaw na ito ay hindi karaniwang napapansin ko. Ito ay tumagal ng mga tatlong segundo bago nawala sa kawalan ng gabi. Mapula ang kulay, hindi ang karaniwang puti na madalas makita. Sa aking pagkamangha, hindi ko na naisip mag wish. Ang naisip ko ang pelikulang “Armagedon” kung saan muntik tamaan ang mundo ng isang asteroid. Sabi ng mga syentipiko, hindi na tanong kung mangyayari nga yun, ang tanong eh kung kalian mangyayari muli. Ang susunod na katanungan eh handa nga ba ang mundo? Handa nga ba ako?....

Naihambing ko tuloy sa buhay pag-ibig ng tao. Hindi tanong kung darating ang pagsubok, kasi talagang darating yung punto kung saan ang kasiguruhan ay babalutin ng duda at pangamba. Maaring kagagawan natin mismo, o kagagwan ng ating minamahal. sinadya at hindi sinasadya, gawa ng pagkakataon at samu’t-saring dahilan na ni-minsan hindi pumasok sa ating isipan sa ka-initan ng pagmamahalan Maaring paghandaan, pero madalas ang paghahanda ay hindi sapat upang itigil ang mabangis na realidad ng totoong buhay. Parang isang galit na asteroid na animo’y galing sa kalawakan, naka “full-speed ahead” sa isang payapang planetang asul na tinaguriang tahanan ng magagandang alaala, matatamis na pangako at pangarap sa dalawang nagmamahalan.

Tinanong ko kamakailan lamang kung dapat nga ba sabihin sa mahal mo kung may kras kang iba. At kung kras ka rin nito, sasabihin parin ba o hindi na. Tanong kung may karapatan nga ba ang mahal mo na magtampo o magalit kung sakali malaman nito. Nakaktuwa ang mga reaksyon. Sa simula, parang napaka simpleng bagay, ngunit sa kalaunan nagging kumplikado. Ang lahat ng ito nagsimula dahil lang sa inakalang simpleng bagay tulad ng isang “kras”. Parang isang itim na binhi na baliwala, pero kung pinabayaan, sa kalaunan ay nagiging mabangis na peste.

Ang iba piniling manahimik para hindi maging kumplikado ang sitwasyon.
Ang iba naman nandigan na dapat maging totoo lagi sa minamahal mo.

Mapa 3rd party, LDR at kung ano-ano pa. Ang pananahimik o pagpapakatotoo. Sa aking pagmumuni-muni. Naisip kong parehong tama at mali ito. Parehong tama dahil ang reaksyon ay nakabatay sa intensyon na pangalagaan ang relasyon ng dalawang nagmamahalan. Ngunit pareho rin na mali sapagkat hindi binigyan ng pansin ang personal na magiging epekto nito sa atin at sa ating minamahal, mabuti man o masama.

Maaring tama ang pagpapakatotoo, ngunit kung ito ay makaksakit sa damdamin at ibinigay sa hindi tamag oras, tama parin kaya ito? Maaring karapatan natin malaman ang totoo, ngunit handa nga ba tayong malaman ang totoo? Maaring ang pananahimik ay makakabuti para sa ati pero makakbuti rin kaya ito sa ating minamahal kung wala siyang alam sa mga nangyayari? Totoo nga ba na ang hindi mo alam ay hindi makakaapekto sa iyo?

Kinamusta ko sa aking huling survey ang “love-life” ng mga dumadaan. Kapansin-pansin na karamihan dito ay sumagot na “pinagtiya-tiyagaan” o kaya’y “pwede na”, ang sumunod naman sa pinaka-marami ay sumagot ng gusto ng "makawala". Napakaliit na porsyento ang sumagot na masaya silang tunay.

Sa aking pakiwari, ang isang pagmamahalan ay binubuo ng tatlong aspeto.

Ikaw, Siya at ang Relasyon.

Marami ang sadyang nakatuon lamang sa aspeto ng “relasyon”. Hindi na importante kung ang isa ay tunay na masaya pa, mapanatili o mapanindigan lamang ang “relasyon”.

Meron din naman nakatuon lamang sa aspeto ng sarili, habang masaya o may pakinabang, yun na ang importante kahit kung tutuusin wala namang pinupuntahan o katuturan ang “relasyon”, na pati ang isa ay nagtyatyaga na lamang.

At meron din nakatuon lamang sa aspeto ng kanyang “mahal”, kahit kung magpakatotoo ay hindi na ito masaya dito at bagkus awa, pride o hiya ang nagsisilbing dahilan upang ipagpatuloy ito.

Nakakalungkot isipin na maraming tumatagal na relasyon na kung tutuusin ay walang tunay pagmamahalan, kadikit nito ang walang tunay na kaligayahan ng puso’t isipan nila. Na para bang ikinulong ang mga sarili sa hawla ng kahibangan.

Naniniwala ako na kaakibat ng tunay na pag-ibig ang pagpapakatotoo at tiwala. Sa lahat ng aspeto nito. Ito ang susi sa isang ganap na pagmamahalan at kasiyahan. Bagama’t ang mga pag-subok ay hindi natin gusto at hindi mapipigilan, ito rin ang mga pagkakataon na maaring gumising sa atin tungkol sa realidad ng isang pagmamahalan.

Hindi puro “ikaw”. Hindi puro “siya”. Hindi puro “relasyon”.

Handa nga ba tayong makita ang katotohanan na ito?

Ito ang pag-subok ng pag-ibig. Ito ang pag-subok ng katotohanan.

34 comments:

Anonymous said...

Sa gitna ng makulay at masalimuot mong pakikibaka sa pag-ibig at relasyon, isa lang ang pumukaw sa akin, ang natatanging sketch ng babae..

I like her eyes.. Beautiful.

And the stroke of her hair.
Nice!

Anonymous said...

----Hindi puro “ikaw”. Hindi puro “siya”. Hindi puro “relasyon”? ---- eh ano? ...

...wag mo sagutin...isipin ko na lang... aheks...

...pero ganda nga nun mata nun babae... :)

gillboard said...

onga... tama sina dylan at gulaman...

ang ganda ng mata ng babae...

di ako makakumento dito.. medyo can't relate... pag may relasyon nako... siguro.. hehe

2ngaw said...

Uyy..nasa photo editing na rin sya lolzzz, ganda nga nung girl :-)

Well,di naman mawawala ang pagsubok sa kahit anong bagay...yan ang magpapatibay ng samahan o ng isang relasyon eh...boring kung wala mang lang kahit anong pagsubok db? Ihanda mo na lang sarili mo, dapat asahan mo na na mangyayari talaga ang magkaruon ng problema sa isang relasyon...

Kosa said...

Hindi ko ito gagamitan ng utak promise..

pero sa aking pananaw..(usapang pag-ibig to di ba?) madalas akong humiling sa bulalakaw nun.. at may mga bagay din naman na dininig pero yung iba kay Lord na nanggaling..

Pag-Ibig:
ang pag-ibig eh mahirap ipaliwanag mahirap ipaliwanag... baku-baku---
Buhul-buhol at kabit kabit..
Hindi mo talaga masasabing masaya ka sa isang relasyon habang nagmamahal ka.... kasabay ng mga iyung pagmamahal na pakiramdam... nasasaktan ka... nagtitiis at umuunawa.. pero ang masarap dun may minamahal ka at may nagmamahal sayo..

Hindi pwedeng Puros nalang kasiyahan at pagpapakasarap ang nasa pag-iibigan.. sa kabilang banda kase kapag ganun---nakakasawa at nakakabagot na..
ang Pag-ibig ay masaya at makulay kaya dapat lang na i-enjoy may lungkot man at di pagkakaunawaan..

**pagulong nga muna...ooooppppssss ayun!**

eMPi said...

very realistic ang post na ito...

maaaring tama ka sa mga opinion mo... masasabi ko lang dapat laging handa sa mga pagsubok na darating sa dalawang taong nag-iibigan.

Dhianz said...

ehem.. oracle! mustah nah??? ay dehinz palah greeting section toh.. lolz... hmmnnzzz... malufet kah mag-post ahh...galing... ganda nang pagkasulat moh... it sounds so makata... kakaaliw basahin... hmmnnzzz.. usapang pag-ibig bahh.. kakabaliw yan eh... hayz... i guess u don't really have to be honest all d' time.. sabi nga nilah white lies once in a while iz fine... you don't really have to tell everythin' to 'ur other half... eh kung tutuusin nga sa sarili naten denials pa nga tayo minsan eh... sa iba pa kayah... example ang crush... hmnnzzz... if u talk about 'ur crush so much.. nde nah tlgah crush 'un... nd since panandalian lang naman... eh ba't sasabihin pah... nd crush lang naman minsan eh simpleng panandalian lang na minsan naglala-last lang nang seconds na paghanga... example: last time meron kmeng cute espresso trainer... while he was trainin' us.. crush koh.. tapos na training session... walah nah.. bye bye na ren ang paghanga koh.. balik reality uletz.. lolz.. gusto moh kwentuhan pa kitah? usapang crush dme pah.. lolz.. hwag nah... oh yeah kinda sad maraming nag-sstick sa relationship kahit nde na nilah mahal ang isa't isa at dahil nanghihinayang lang silah sa tagal nang pinagsamahan.. pero may kanta nga..."It's not how long we held each other's hand. What matters is how well we loved each other.".. naks!... hehe.. sige 'un lang po.. essay nah toh.. salamat sa komentz moh at madalas na pagdaan sa mansyon koh... ingatz lagi... Godbless! -di

A-Z-3-L said...

habang binabasa ko ang sinulat mo... at ang mga dati mo pang ginawa... natutuwa ako. dahil u speak of duality kahit laging interrogative ang dating. pero laging may options, laging open sa dalawang sides. hindi nakakulong. wala sa hawla.

Oracle ka ngang talaga.

Magaling. Pinahanga mo ako ng sobra.

jhosel said...

yea. napansin ko din yung babae. ang ganda ng pagkakasketch..

anyway, nag-attend ako ng wedding last sunday. sabi ni father jollibee (yung presider.ahehe).. natural sa isang relasyon ang conflicts at pag-aaway dahil isa ito sa mga nagpapalakas ng relasyon.. pero wag daw hayaan na ang conflict ay manatiling conflict.. kundi dapat isolve ito using love and understanding.. sabi din niya ang relationship daw parang panutsa.. may dalawang part na nakataklob sa isat isa and binded ng banana leaf.. at kahit nabibigkis ito ng banana leaf, may space pa din sa gitna.. yung analysis nia, yung whole panutsa ang relationship, yung dalawang part, ikaw at yung mahal mo tapos yung banana leaf.. love.. kaya more than anything else.. yun love daw ang importante dun. kasi kahit ano mang effort nio to make the relationship work kung wala na yung LOVE.. useless din ang lahat.
:)

Anonymous said...

wow! nakatagpo ako ng isa pang nice blog! :)

regarding sa pagpapakatotoo... ako i prefer na malaman ang totoo kahit makakasakit. ang 'katotohanan' kasi kahit na itago mo ng super tagal, lalabas at lalabas pa rin. mas masakit kapag nalaman din in the end pero hindi mo sinabi una pa lang si ba? parang yung kasabihan lang na no matter how noble the intention is, a lie is still a lie.

tama na... nagiging magulo na ako. :P

RJ said...

Hindi gumagana ang puso't utak ko. Malamang dahil sa nagulat ako sa coverage nitong post na 'to, napakalawak, lahat ay apektado. At dahil nasabi mo na halos lahat ang mga points, wala na akong maidadagdag pa.

Ayos ang paghahambing ng isang hamon sa pag-iibigan sa isang bulalakaw! Ang galing ng pagkalarawan, pakiramdam ko ay tatamaan ako ng rumaragasang asteroid! Whew! Very good!

Anonymous said...

Hi,

I was wondering since we have the same niche, it would really help our rankings as well as increase our hits by exchanging links. My link info is

Title: Girls Talk Celebrity Skin
URL: http://girlstalk.zengato.com

Please drop me a comment once you have added my link so that I can do the same for you site. Please provide me with the title of the link as well as the url.

Thanks,
Lea

Celebrity Gossip Celebrity Skin

angel said...

naka relate ako sa post mo ah, parang medyo tumama sa kin huh!

nice post.....pinag isip mo ako:)

pogingpayatot said...

aguy. parang tinumbok mo ang tumbong ng insektong kumakagat-kagat sa mga maselang bahagi ng aking puso.

tama ka. palagi nating gustong malaman ang totoo pero kung hindi ito ayon sa ating kagustuhan, mas mamatamisin pa nating paniwalaan ang kasinungalingan.

waaaaah. unang bisita ko dito pero tinamaan ako. aguy.

nice one!

PaJAY said...

...malufeet nga na post...ayus!..


may napansin lang ako..di ako masyadong nakarelate dahil di ako sigurado sa tinutukoy mong mahal...mag syota lang ba? o mag asawa na?..magkaiba kasi yun sa aking pananaw...like,pwedeng iba yung rules of engagement sa mag syota iba naman sa mag asawa...hehehe..


pero sa kabuuhan..natumbok ko naman ang punto mo...makasali nga sa survey mo...lol

. said...

Nakakalungkot isipin na maraming tumatagal na relasyon na kung tutuusin ay walang tunay pagmamahalan, kadikit nito ang walang tunay na kaligayahan ng puso’t isipan nila. Na para bang ikinulong ang mga sarili sa hawla ng kahibangan.

- Salamat sa pagpapaalala. Sa totoo minsan, naglalaban sa isip ko ang hangaring magkarelasyon muli at ang pangamba na maaring hindi ko ito seryosohin at ipagwalangbahala lamang.

Ang alam ko lang, mahirap ilaan ang puso. Madalas ay apektado tayo ng todo kapag ito'y nasugatan.

Dear Hiraya said...

ang ganda naman nito. dr. love na dr. love hehehe..

basta ako, ayaw ko na munang pumasok sa isang relasyon. kasi pakiramdam ko, hindi pa ako handa. saka ni hindi pa nga ako makapag move on sa ex ko eh. saka, baka maging panakip butas lang siya sa ex ko kaya wag na lang.

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

pusangkalye said...

salamatt sa pagdalaw at pagkomento sa aking blog----

here's my reply

_______________

ORACLE ---'"Friendship is a good thing. And i believe goodbye's aren't necessary as long as the essence of friendship is in place."'-----


tama--therefore, tama na pag wl n reason to cling to it. then---let go.

Amorgatory said...

ay leche bat inlababaow kayow lahat hahaha, joke lang pare,ang sseryoso!!lol..akow naman pala..lolness sa isang relasyon kasi dpat lahat nang aspetow ay titingnan mow, hndi lang ung purow dlawa kayow, symfre need mo din tumingin sa kaliwat kanan kung anow ano pa ang kulang at kailangan at ang mga dpat e sarkrispyoness, hahaha anyways wla akong punto lol,wala lang nagnguulow lang akow,buahahha!!lwang wenta lage ang koments kow, ksi gsto ko eh,bleeeeeee!!nayways pare oks lang nman if may kras eh cguraduhin mow lang na ung partner mow ay hndi super selosa gaya kow, kasi uupakan kow tlga lol..joke lang bye for now!!sensya pare tiredness lang akowshness

yAnaH said...

once na nagmahal ka... binigyan ng lisensya ung taong minahal mo na saktan ka.. dahil kaakibat ng pagmamahal ang sakit at pighati.. for you will never really know how it is to be loved and to be happy unless youve experienced how it is to be sad, hurt and be broken....
kahit anong klaseng relasyon ang pasukin mo LDR man o hindi yan, basta involve ang puso, nagmahal ka, expect to be hurt anytime... dahil parte yan ng pag-big... ang masaktan.. parte ng buhay yan,... ng totoong buhay...

ORACLE said...

@Dylan

i like the eyes too... =)

@SuperG

"----Hindi puro “ikaw”. Hindi puro “siya”. Hindi puro “relasyon”? ---- eh ano? ..."

Korek! isipin mo na lang... hehehe =)

ORACLE said...

@gillboard

haha! darating din yan... :)

@lordCM

"dapat asahan mo na na mangyayari talaga ang magkaruon ng problema sa isang relasyon..."

Korek! pero tama rin kaya na asahan na hindi lahat ng problema ay maaring malutas? Hindi sa nagiging pessimistic, pero ito ang realidad na dapat paghandaan. =)

ORACLE said...

@Kosa

"Hindi mo talaga masasabing masaya ka sa isang relasyon habang nagmamahal ka.... kasabay ng mga iyung pagmamahal na pakiramdam... nasasaktan ka... nagtitiis at umuunawa.. pero ang masarap dun may minamahal ka at may nagmamahal sayo.."

Hmmmm. Maaring tama ngunit marami akong kilala na talagang masasabi nila na masaya sila. Ang pagtitiis at unawa ay maaaring tama, ngunit may hanggan daw ito. Ito yung kunsepto ng pagmamahalan na nakatuon lamang sa "relasyon". Kaya naman marami ang nag sasabi na pinagtyatyagaan na lang kung anung meron sila na sa aking palagay ay hindi maganda.

ORACLE said...

@Marco

"masasabi ko lang dapat laging handa sa mga pagsubok na darating sa dalawang taong nag-iibigan."

Salamat! Ngunit ang realidad ay hindi lahat ng pag-subok ay pwedeng paghandaan. At hindi lahat ng pag-subok ay napagtatagumpayan. Siguro okay din ipaalala natin sa sarili na maging handa sa anuman ang mangyari.

ORACLE said...

@Dhianz

"oh yeah kinda sad maraming nag-sstick sa relationship kahit nde na nilah mahal ang isa't isa at dahil nanghihinayang lang silah sa tagal nang pinagsamahan.."

Totoo! Dito ako nanghihinayang dahil maraming nasasayang na oras na kung tutuusin ay mga pagkakataon na maging maligayang tunay. Salamat! Sana magaling ka na. =)

ORACLE said...

@AZEL

"dahil u speak of duality kahit laging interrogative ang dating. pero laging may options, laging open sa dalawang sides. hindi nakakulong. wala sa hawla."

Iyon kasi ang realidad ng buhay, hindi ito nakakulong sa black and white. Kaimitan nakakalimutan ng tao ito, na para bang nauubusan sila ng options or choices na pwedeng gawin o tignan, kaya naman hindi umuusad sa pagresolba ng anumang problema. Marami pong salamat! =)

ORACLE said...

@Jhosel

"kasi kahit ano mang effort nio to make the relationship work kung wala na yung LOVE."

Very true. So it goes without saying that Love should only bear something good, kung wala na, malamang, wala nang reason pang mag hold-on dito...

ORACLE said...

@joshmarie

Maraming salamat sa pagdaan at pagcomment. Okay lang kahit ano basta galing sa puso't utak mo. Yes, a lie is still a lie, but the question is, is supressing the truth the same as changing the truth? hmmmm... :)

ORACLE said...

@RJ

Salamat dok! Well, ganyan talaga minsan ang buhay, maraming realidad na hindi tayo aware dahil nakatuon lamang tayo sa gusto nating isipin. =)

@Angel

Salamt! Balik ka muli.. =)

ORACLE said...

@pogingpayatot

"tama ka. palagi nating gustong malaman ang totoo pero kung hindi ito ayon sa ating kagustuhan, mas mamatamisin pa nating paniwalaan ang kasinungalingan."

Kaya naman ang dulo sobrang sakit! hehehe! Salamat sa pagdaan pogi! =)

@PaJAY

"pwedeng iba yung rules of engagement sa mag syota iba naman sa mag asawa."

Tama! pero yung essence ng pag-subok ay pareho lamang. Yun nga lang sa kinasal na mas maraming factors ang dapat i consider, lalo na ang pamilya... :)

ORACLE said...

@Mugen

"Salamat sa pagpapaalala. Sa totoo minsan, naglalaban sa isip ko ang hangaring magkarelasyon muli at ang pangamba na maaring hindi ko ito seryosohin at ipagwalangbahala lamang."

Totoo yan! madalas ang bumubulag sa atin ay ang unang bugso ng damdamin sa isang relasyon, ngunit sa kalaunan nalalaman natin na hindi talaga ito ang ating kagustuhan. Maraming Salamat... =)

ORACLE said...

@Fjordan Allego

"basta ako, ayaw ko na munang pumasok sa isang relasyon. kasi pakiramdam ko, hindi pa ako handa. saka ni hindi pa nga ako makapag move on sa ex ko eh. saka, baka maging panakip butas lang siya sa ex ko kaya wag na lang."

Tama yan! Paghilumin ng lubusan ang pusong nasugatan. MAraming salamat sa pagdaan. Balik ka ulit... :)

ORACLE said...

@Pusang-Gala

Amen! :)

@Amorgatory

Hahaha! Natawa ako dun ha. Hehe! Salamat. Hirap naman ng Tag mo! :)

ORACLE said...

@yaNah

"dahil kaakibat ng pagmamahal ang sakit at pighati.. for you will never really know how it is to be loved and to be happy unless you've experienced how it is to be sad, hurt and be broken"

And truly experience is the best teacher of all... Salamat Yanah! :)