Wednesday, October 7, 2009

Paano Mahalin ang Katulad Mo?


Di ko maikakaila ang pag-aalala
Na sa tuwi-tuwina’y dala-dala
Nangangamba, nangangamba
Na baka mapahamak ka


Dapat sarilinin ko na lang
Kayrami-rami mong pasan-pasan
Baka lalo ka pang mabibigatan

Itatago ko ang aking kaba


At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim

Ay napapansin mo ang takot ko

Ang dinadaing koy para sa iyo


Ang unti-unting matutunan ko

Paano mahalin

Paano mahalin ang katulad mo


Di ko maikakaila ang pag-aalala
Ngunit di ba mas mahalaga
Ang dinggin ka, intindihin ka,
Samahan ka sa bawat pasya


Paano ba ako makakagaang
Paano ba ako makakatuwang
Paano kung ako ay nasasaktan


Itatago ko ang aking kaba

At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim

Ay napapansin mo ang takot ko


Ang dinadaing koy para sa iyo
Ang unti-unting matutunan ko


(Counterpoint)

Paano ba ako makakagaang
Paano ba ako makakatuwang

Paano mahalin

Paano mahalin ang katulad mo


Interlude


Paano mahalin

Paano mahalin ang katulad mo



...missing you...


-ORAKULO



6 comments:

MarcoPaolo said...

ganda naman... musta pare?

ACRYLIQUE said...

Ganito ako dapat mahalin. :)

Lord CM said...

Gawa mo pre? ang ganda ng pagkakagawa :)

A-Z-E-L said...

aba.. may hinaharana? hmmm...

jodi said...

magaling ka pala sa tula ha! igawa mo nga ako nyan! hehehe joke lang valuews, reviews, business

Dhianz said...

nagbalik ka na palah kuya Oracle.. pero parang bz kah... hmmm.... miss kah ren siguro nyah... i'm missing someone too kuyah but dunno if he misses me though.. sigh... btw nice song.... pero parang ang lungkot lungkot... ingatz lagi... nice to see yah back... *hugz*... Godbless! -di