Friday the 13th! Araw ng kamalas-malasan. Isang tradisyong naipamana ng kanlurang bahigi ng mundo sa pamamagitan ng kwento, telebisyon at sinehan. Isang araw kung saan ang salitang “ingat” ay binibigyan pansin sa bawat pagpapaalam. Isang araw na masasabing karamihan ay sensisitibo sa mga magiging kaganapan sa loob ng 24 oras. Nagmamamasid. Nakikiramdam. Handang i-ugnay ang anumang di kanaisnais o di inaasahang pangyayari sa sinumpang araw na ito. Araw na tila ang swerte ay hindi hinahanap, bagkus malas ang nais makita.
Bukas February 14 na. Valentines day. Araw ng mga puso. Araw ng mga nagmamahalan. Nakakatuwang isipin na bago sumapit ito, kailangan mo muna lampasan ng matagumpay ang sinumpang araw ng Friday the 13th sa taong ito. Kaya naman natuwa ang malikot kong utak nang makita ko ang kalendaryo noong nakaraang linggo. Meron nga bang tinatawag na malas pagdating sa pag-ibig?
Sa mga pare at mare, siguro naaalala pa natin yung mga panahon na sinubukan natin mang ligaw at nabasted. (Oo, uso narin dati ang mga chicks ang nanliligaw) O kung sa iba naman ang style eh nagpapapogi, nagmamaganda o nagpapapansin pero hindi rin bumenta sa kanilang prospect. Meron din naman yung tipong nag-antay ng pagkatagal-tagal para lamang malaman na nauwi sa wala ang paghihintay. Mga torpe at torpa. Paasa at umaasa. Mga “deny-to-death”. Mga playing safe. Insecure at sobrang secured.
Sa mga nasa relasyon at nagnggaling sa relasyon: Martyr. Santo. Demonyo. Under. Over. Tanga. Manggagamit. Ginamit. Baliw. Immature at over-matured. Saddista at masochista. Manyak at walang alindog. Nananakal at nagpapasakal. Nanloko at nagpaloko. Nagtatanan at Nilalayasan. Nagpapakasal at naghihiwalay. Nangangaliwa at ngangatlo pa! Meron din ngangapat sa kapwa lalaki o kapwa babae pa. At meron din yung nawawalan ng gana at sobra sa gana. Umiintindi at di-nakakaintindi. Naiintindihan at di-maintindihan. Kamalasan nga naman sa pagibig!
Ngunit sa kabila nitong lahat, bakit patuloy sumusugal ang bawat isa atin sa ngalan ng pagmamahalan? Sleepless nights. Sakit ng ulo. Paranoia. Galit. Sumbatan. Stress.Tampuhang walang kakwenta-kwenta. Murahan pa nga kung minsan. At kung mamalasin ka pa, may sampal at suntok pang kasama. At lahat ng ito nagmula dahil sa isang desisyon o pakiramdam. Nais mo magmahal at mahalin pabalik. Pero bakit ganun? Paano nangyayari na isang napakagandang bagay tulad ng pag-ibig eh mauwi sa ganun? Lohikal bang isipin na ang lahat ng malas na ito ay sarili nating kagustuhan dahil tayo mismo ang nagsimula nito? Nagtanim ka ng mais, aani ka ng talahib?
Kamalasan sa pag-ibig… Fri the 13th sa Feb 14th…. Sa aking palagay, walang kamalasan sa pag-ibig. Tayo mismo ang gumagawa ng kamalasang na iyon. Tulad sa araw naito, ang pokus natin ay kung ano ang malas, at ang swerte ay tila nasa isang tabi hindi pinapansin.
Kahibangan nga naman ng mga tao! Pag-ibig na nga, hahanapan o gagawan pa ng malas. Eh ano ba talaga gusto mo?! Baka nalilito ka lang. Kaya ka nagkakanda malas-malas. Yun lang yon! Loko ka pala eh. Itawa mo na lang.
Bwahahahaha…..tsaka ka mag huhuhuhu! LOLZ!
Sabi ng Lola kong spiritista “…tanging Tunay na Pag-ibig lamang ang pa-ngontra sa kamalasan sa buhay…” It does make sense. Salamat po!
INGAT! Maligayang Araw ng Malas sa Ating Lahat! =)
13 comments:
Oo! Wala namang malas sa pag ibig.. At naniniwala ako na lahat tayo may nakatakdang mahalin at magmahal... Tamang oras makakapag sabi...
...Serendipity ba ito?..
...Hahahaha...Minsan kasi tao ang nagpapahirap sa sitwasyon..Lalo na pagdating sa pag ibig..Di dapat pag awayan, pa taksilan, kaliwaan, kapwa ko mahal ko..I mean babae sa babae at lalaki sa lalaki...
..Minsan alam na nating mali pero go lang.. Kaya naman sa huli.. Hagulhol ang ending...
waaa...Maligayang Araw ng Malas din sa iyo! =)...ahehehe...
nasa tao naman yun...sya ang gumagawa ng swerte sa buhay nya at sa pag-ibig man...
pero nasampulan ako kainis ng friday the 13th ah..sira ang PC ku...panu na ang chat ko sa aking pag-ibig bukas..haaysss...
Maligayang Araw ng ..... ito na nga lang... HAPPY VALENTINE'S DAY!!! :)
@hidden
Korek! Tamang oras lang makakapagsabi...
Hindi ko rin maintindihan. Baka nga nag-eenjoy sila sa pagpapahirap ng sitwasyon. Well, siguro sub-consciously within alam ng ating sarili meron tayong matututunan eventually. Well, not for all, but for most.
Pero sa ending ng kada malas, pwede kang mamili... humugulhol or mag laugh trip ka nalang... yun ang malimit nakakalimutan ng tao!
Haaaay. Serendipity. Loved that movie. =)
@Yffar
Hmmmm... Have a nice day too! =)
@superG
Weh! Bakit ganun, kung ordinary day naman at hindi Fri the 13th, kung mangyari mga malas na bagay, parang wala lang? Hehe...
Kaya mo yan! Sabi ng bolang crystal, tawagan mo naman daw, para espesyal na Grasya ang makarating kay Grasya. Yiheeee..... =)
@MarcoPaolo
Hehehe! Happy V day narin sau! Salamat sa pagdaan! =)
di din ako naniniwala sa malas. you make the consequences out of your own actions. di dahil sa malas ka kundi dahil wala kang ginawa para maging maayos ito.
sa love naman. yea. perhaps, yung mga taong iniyakan mo at di napasayo ay talagang di para sayo. coz i believe that meron talagang taong para sayo. you'll just have to wait for the right time. then you can say na 'swerte' ka sa love.
“…tanging Tunay na Pag-ibig lamang ang pa-ngontra sa kamalasan sa buhay…”
yea. tama si lola. love is so powerful that it can surpass anything.
happy valentines!♥
naku! wala pong malas noh!..
ako nga? date ng bday ko 13 e.. at to tell you ha! hindi ako malas.. swerte ako!hehehe
lahat naplan ni God for us kaya nasa atin na rin yun kung paano tayo gagalaw ng maayos at magugustuhan ni God.
about love naman, hmmmm...sabihin nlang natin na lahat ng nangyayari ay mga pagsubok..
sa mga lalake, nangyari na yung mabasted sila..masaktan cla..
ganun din sa babae, masasaktan cla ng sobra sa mga minamahal nila lalo na pag niloko sila..
hay..love nga naman oh!.. para sa akin.. hindi masama ang masaktan, lahat tau madadaanan yan.. kasi dyan tau maggogrow e, dyan natin malalaman kung san ang kaya natin... just be strong ika nga nila dba?
pahabol:
*malas ang 13?.. hmmmm...kasi nasnatch na aq nung kaarawan ko mismo pero hindi q yun iniisip na malas..material things lang ang nawala at hindi buhay q dba?
so? is this make sense bro?
WLANG MALAS TANGS LANG MERON HAHAHAH..LOLNESS
“…tanging Tunay na Pag-ibig lamang ang pa-ngontra sa kamalasan sa buhay…”
parang sa pelikula lang ah... sana maranasan ko yan minsan.. hehehe
di ko pa masyadong nabasa, pero may sasabihin na 'ko. Uhm, ano na nga ba?...
Ah!... para sa'kin walang malas o swerte sa kahit na anung aspect, tao lang ang may gawa nito.
Siguro masasabi lang itong hindi matagumpay sa aspect ng pag-ibig kapag pinalagpas mo ang taong dapat sana ay para sa'yo, pero pinakawalan o hinayaan mo lang..
I know only one thing, true love only happen once, if you let it pass, wa na.. If given a second chance, wow, you're a blessed person.. not lucky.
Eh anu bang alam ko dito sa ganito? Ahaha, hmp.
Malasin man ako sa pag-ibig, naniniwala ako na sa dako pa roon, makikita ko rin ang aking hinahanap.
Maligayang kaarawang ng mga puso sa iyo orakulo. :)
@Jhosel
yeah! exactly. You know what's funny? People tend to blame themselves last. They try to make this certain kind of "malas" to escape responsibility.
Ang saya! I believe love is always swerte. Love in the real sense... Salamat po!
@gillboard
have faith. have patience. open ur heart and mind. It will come... goodluck!
@Mayyang
Wen mannang! Pain is an essential feeling or moment. Kung wala yun di natin maapreciate ang joy or happiness. It's more of understanding that pain or "malas".
Yeah it does make sense! Salamat po sa pagdaan!
@Amor
hehehe. Korek! Ayaw umamin ng pagka "toinks" kaya malas na lang. euphemism. It funny, but it works. lolz!
@Miss Dylan
Wala akong masabi...
Kaya mo yan... Cheers! =)
True love happens once. I agree!
@Mugen
Ang mga malas na iyong sinasabi ang daan patungo sa hinahanap mo. Hinahanap nating lahat. Darating iyon. Maniwala lang tayo at huwag mapagod sa paglalakbay na ito...
Post a Comment