Sunday, March 1, 2009

Marso - Spring Equinox

Huwaaaw, Marso na!
Ewan ko ba, pero ito ang paborito kong buwan sa buong taon…

Napakabilis kung tutuusin. Dalawang buwan ng 2009 tapos na…
59 na araw, 1,416 na oras, 84,960 na minuto, 5,097,600 na segundo.

Dumaan na panahon na hindi na muling maibabalik.
Sabi nga, parte na ng kasaysayan ng ating buhay.
Kasaysayan na patuloy bumabago sa ating sarili.
Humuhubog sa ating pagkatao at mga mithiin.

Mga halu-halong pangyayari, maliit man o malaking bagay…
May saya at lungkot. Pagod at pahinga. Ngiti at simangot.
Halakhak at iyak. Duda at tiwala. Pangamba at kasiguruhan.
Inis at kagalakan. Tagumpay at pagkabigo, Pag-asa at kawalan nito…

Sa hilagang bahagi ng mundo ito ang simula ng Spring…
Panahon kung saan ang yelo ay nagsimula na matunaw…
Pag-usbong ng mgagandang bulaklak at halaman…
Sa atin dito naghahalo ang init at lamig ng panahon…

Syempre, ito rin ang inaasam na buwan ng mga gradweyting…
Matapos ang mahabang panahon ng pag-aaral, totoong buhay na…

Sa larangan ng astronomiya, dito papasok ang Spring Equinox.
Kung saan sakto ang bilang ng oras ng dilim at liwanag.
Ito yung panahon na maeenjoy mo ng husto ang sunrise at sunset…
Kung baga, ito ang panahon ng kalagitnaan...

Point Zero sabi ko sa sarili ko…
Panahon ng pagsibol. Bagong Buhay. Bagong Pag-asa.

Hindi ito katulad ng New year nakabatay sa petsa sa kalendaryo…
O ang Chinese New year na nakabatay naman sa buwan…
Ito ang natural na panahon sa kalikasan upang magsimula muli….

Isang buwan na ang Orakulo sa blogosphere…
Sa totoo lang, hindi nakukumpleto ang araw ko na wala ito...
Sa pagpasyal sa mga samu’t saring pahina ng buhay…
Sa pagmumuni-muni ng mga ka-adikan at kabaliwan...
kahibangan ng tao kasama ako…

Sa pakiki-epal...
Pagbigay ng maikli o mahabang opinion sa bawat paksa…
Mga kwento at saloobin na tunay namang mapupulutan ng aral...
Mapa pag-ibig, trabaho, pagkain...
Pagkakaibigan, pananampalataya atbp…
Hangad ko ang patuloy na pakikipagtalastasan....
Ng isip at puso ng bawat isa....

Magandang samahan at totoong pagkakaibigan sa mundong ito…
Ang daming pwedeng matutunan at maintindhinan…
Mga aral na hindi tinuturo sa mga eskwelahan o unibersidad…
Paaralan ng buhay kung saan lahat tayo ay guro at estudyante…

Maraming Salamat Po!

Sa aking inspirasyon naman, ang aking pinakamaMahal…
Ang dahilan ng lahat ng ito. I owe this to you. Thank you so much…

Masayang masaya ako dahil mabuti na kalusugan mo…
Goodluck sa bago mong work. Alam ko kayang kaya mo yan!

Medyo mahirap mag-adjust.
Bagong environment and set of people…
New tasks, challenges and pressures and all...
Basta take it easy, relax, focus...

Believe in yourself, the way I believe in you….
Don’t worry sa expectations nila...
Concentrate on your own expectations…
Your set goals and aspirations...

Sa lahat ng pagod at pangamba...
Huwag ka mag-alala.
Nandito lang ako sa likod mo lagi...
Naka abang, patiently waiting…

Handa sa anumang mangyari, ako bahala, maniwala ka….
Lagi kang kasama sa aking mga panalangin…

Hinahanda ko na ang grandeng bakasyon natin…
Hindi ko alam kung nababasa mo ang mga nandidito…

Sana hindi! Sayang ang surprise! Wehehehe. =)
Alagaan mo lagi health mo. Bawas sa salty food.

Lots of water and enough rest, vitamins!

May naaalala ka ba sa picture na yan?
Hmmm… Tinago ko yan… Hehehe… =p
Alam ko ninenerbyos ka, ramdam ko.
Pero alam ko rin na excited ka... =)

Smile ka lang lagi, tiyak makukuha mo sila.
Cge kuha ka lang, may kasamang swerte yan.

Wishing you the best as always...

I love you! - Orakulo

24 comments:

. said...

Marso ang buwan ng simula sa akin. Noong nakaraang taon, ngayong buwan ako nagkaroon ng kumpyansa magpakatino sa buhay.

Ngayong buwan, hindi ko tatalikuran ang aking sinimulan.

Happy Monthsary sa iyong blog.

yAnaH said...

huwawwwwwwww
tsokoleyts.. yum yum yum

pansin ko nga hindi kumpleto ang araw mo pag hindi nakakasilip sa blogworld.. sa blogger ka na yata nakatira eh hahaha lagi akng early bird sa mga upodated entries.. habang mainit ang pandesal.. strike agad nyahahahaha

gillboard said...

Para sa akin naman, money matters month ang buwan ng Marso. Dito ko unang inaayos ang buhay ko pagdating sa paghawak ng pera.

Amorgatory said...

HAPPY MONTHSARY PAREKOY SANA MAGTAGAL PA ANG IYONG MUNTING MUNDO, AT GUDLUCK SA PAGDATING NANG SUMMER SPRING OR FALL,.PAGPATULOY MOW LANG ANG MAGAGANDANG HANGARIN MOW SA BUHAY AT ETO RH CATCH MOW!TAGAY TAGAY!

EǝʞsuǝJ said...

marso ang bwan ng kapanganakan ko..
kung kelan ito
hulaan niyo..:D

nakakatuwa isipin na mabilis lumipas ang dalawang nakaraang bwan.

dito sa bansang binansagang "rehabilitation area" nagsisimula nang uminit ng todo. Gudlak na lang smen dahil bukas makalawa 50 degrees na ang temp dito. lusaw lahat ng make up, masusubukan ang tatag ng deo at maliligo sa pawis bawat minuto.

ang bwan na ito din ang hudyat ng "malaking pagbabago", dahil gagradweyt na sa hiskul ang kapatid ko! haha..alam na..hihigpitan ko na ang sinturon ko..dahil bukas makalawa, may kolehiyo na ako..

hehe..keetakeets :)

RJ said...

Napakamakahulugan at napaka-informative ang post na ito! o",)

Huhmn, ayos naman ang cool temperature ng spring, ang mga colors, etc. medyo marami nga lang kulisap. [Nasa bukid kasi kami, kayo siguro ay nasa city po.]

Kung ang northern hemisphere ay excited na sa panahon ng tag-sibol, kami naman dito sa katimugan ay 'di na mahintay ang panahon ng tag-lagas. Salamat at makapagpapahinga na rin kami sa matinding init, at magaganda rin naman ang kulay ng mga dahon kapag ganitong panahon. o",)

Isang buwan ka palang, ang dami mo nang taga-subaybay. Wow!

Pakilagyan naman kung anong kasarian, at location sa profile mo, please. Salamat. o",)

jhosel said...

yea. marso na!
hmm. nothing special sakin. pero everyday naman is HOPE. hope ng mas masaya at maayos na buhay. hopefully, this march will be great for everyone of us!
aw. happy monthsary sa blog mo! more power sayo at sana'y madami ka pang mainspire dito sa blog mo..
god blesS! ;)

Anonymous said...

Hayz, kailangan mo ba talagang magpost ng pic ng chocolate?

Nakakagutom. Pero mas gusto kong binibigay ang chocolates kesa kinakain... hehe.

Ambilis ng panahon noh..

Isang buwan ka pa alng pala pero parang ang tagal mo na dito.. At sa iyong inspirasyon, sana manatili syang inspirasyon mo..

Cheers to you Oracle~

_ice_ said...

i hate march kasi parang farewell yan para sa akin.. bakasyon kasi eh..

btw tnx for dropping by ..

ill add you up..

ano nga ba ang libra dis march maganda ba ang basa mo sa akin?

Anonymous said...

It's not that i hate march, pero kasi umpisa ng summer, can't tolerate much heat.. I don't like summer.

Bakit ba ang init init na ngayon? Dahil ba sa bilis ng pagtunaw sa mga ice and glciers sa Antartica? at sa global warming? o sa global crisis..

Lahat naman ng oras at panahon ay pagkakataong magbago o mag umpisang muli... Wala sa petsa o araw o taon.. Ang mahalaga matutulog na ko, antokz na.. zzzzz

PaJAY said...

informative na post...ganun pala yun..salamat..

wala akong masasabi sa buwan ng Marso...dahil MAYO ang inaantay ko para makauwi na ako ng pinas...lolz..

Nice post..

Anonymous said...

"Ang Marso kaya ngayon ay katulad ng Marso noon?"

Happy monthsary, sana ay lalo pang magtagal ang blog mo.

INgat!

2ngaw said...

Happy anniversary brod, sana magtagal pa tayo sa blogosphere :D

angel said...

happy anniversary :) eksakto apala ang daan ko para mabati ka, bagito pa lng ako sa larangan ng blogseperyo pero hanga ako galing ng mga post mo gusto kitang iboto di ko lng alam kung paano sana maturuan mo ako hehehe....mabuhay ka..

eMPi said...

Happy monthsary sayo parekoy... :)

Unknown said...

hello... isang buwan ka na pala... :)

ORACLE said...

@Mugen

Samahan ka ng aking mga panalangin na hindi mo nga talikuran ang iyong sinimulan... Maraming salamat! =)

@yanah

hehehe... hindi naman. na aakses ko lang kasi ang blog kahit saan kaya ganun. hehehe. yup! dapat. hindi na masarap ang pandesal kung dna mainit... =)

@gillboard

naku po. ako rin sana ayusin ko ang kaperahan. kaya lang wala ako nun. kaya walang aayusin. hehehe

ORACLE said...

@Amor

hahaha! salamat marekoy! RH ba? o cge... eto naman ang C45 para syo! Cheers!

@jen

wow! nakakatuwa naman ang mga ganyan may malasakit sa magulang at mga kapatid. Advance hapi bday. hmmm.... pakiramdam ko lang huwebes ang araw ng bday mo... salamat sa pagdaan! =)

ORACLE said...

@RJ

Naku maraming salamat po dok! oo nga! gustong gusto ko kulay ng dilaw dyan sa mga panahon na ito. =)

"Pakilagyan naman kung anong kasarian, at location sa profile mo, please. Salamat. o",)"

Lalaki po, Taga Milky Way. LolZ! =p

@Jhosel

Yup! Yup! Maraming salamat nurse jhosel! =)

ORACLE said...

@Dylan

Weh! ayaw mo chocolates kinakain pero gusto mo binibigay? Hmmmm... hulaan ko, hindi rin siguro ma tolerate ng katawan mo ano? hehehe. Pwede naman hindi kainin, kahit itago lang...

Palagay ko lagi siyang magiging inspirasyon ko... Salamat! =)

@ice

well yun na nga kagandahan ng march. May farewell... pero nakakalimutan natin na pagkatapos nun ay may HELLO! dba? =)

Ang Libra? may mangyayari sayo this month na hindi mo iniespect!.... abangan.... :)

ORACLE said...

@Dylan

"Lahat naman ng oras at panahon ay pagkakataong magbago o mag umpisang muli... Wala sa petsa o araw o taon.." AMEN! ehhehe. wala lang. gusto ko lang kasi isabay sa kalikasan madalas ang aking mga desisyon na nais gawin para sa pagbabago. =)

@paJAY

Salamt po prof! Mayo? Lapit na yun! weeeee.....

@lordCC, Angel, Marco

Maraming salamat po sa inyo! =)

@MOTS

hi! uuuy.. napadaan ka! salamat ha! ingats! =)

ORACLE said...

@Mike A

Salamt po! Mabuhay po kayo! =)

Anonymous said...

naks...hapi monthsary...ayuz...aheks...

ORACLE said...

@superG

Salamat idol! = )