Tuesday, February 17, 2009

25 ni Orakulo

25 na bagay tungkol kay Orakulo. Hmmm… Paano nga ba yun?
Para sa isang Manghuhula na may lolang spiritista?
Nabubuhay sa kalawakan sa dako paroon.
Sakit sa ulo! Baka mawala ang kapangyarihan ko.
Siya tama na nga…. GAME NA! Hehe…


25 TRUE LIES SA BUHAY NI ORAKULO


1. Mahilig ako sa lahat ng klase ng sining. Magaling ako sa visual at self-expression arts tulad ng painting, photography, drawing, sketching, sculpture charcoal art at abstract works. Katunayan nagging myembro pa ako ng isang grupong sikat sa buong mundo sa mga ganitong laranggan. Mahina at nakakahiya ako sa performing arts lalo na sa theater at music. Mahal ko ang musika, pero sadyang hindi ako mahal nito. Kakalungkot.

2. Sadya atang wala ako ng nagpasabog ang Diyos ng katalinuhan sa mundo. Sikat ako sa lahat ng eskwelang pinasukan ko. Pasaway kasi. Laging nasa last two sa anumang ranking ng buong batch. Matigas ang ulo at laging may sariling mundo, minsan nasa ibang planeta pa. Pero sinalo ko lahat ng biyaya ng ka-weirdohan. Sa sobrang pag ka weird, nagawaran ng maraming paranggal ng mga mortal na barkadang hunghang sa paligid.

3. Mahilig ako kumain ng matatamis. Ayaw na ayaw ko yung mga maalat. Mapa ulam man ito o desert. Oo. Merong maalat na desert. Maniwala ka.

4. Pinangarap ko minsan na maging astronomer, doctor, piloto, negosyante at abugado ng sabay-sabay. Nagising na lamang ako sa katotohanan na mas bagay ako sa bukirin na nagsasaka na may simpleng buhay. No choice kasi, bopols eh. hehe

5. Ayaw na ayaw ko ng gatas. Sa katunayan, kailangan pa dati ako habulin ng nanay ko para lamang uminom ng gatas. Hindi naman ako lactose intolerant. Intolerant lang ako sa tsupon.

6. Hindi ako makatulog kung hindi bukas ang ilaw. Hindi naman ako takot sa dilim pero ganun lang talaga. Pagtulog na ko, saka mo patayin. Nakahubad ako matulog. As in walang saplot. Kaya kong uminom kape bago matulog at walang epekto ito.

7. Ganun din sa inggay. Kailangan ko may naririnig ako habang pinipilit matulog. Ayaw na ayaw ko matulog na walang sounds. Ma pa crash metal man yan okay na.

8. Magaling ako mag sinungaling. Katunayan nag sisinungalaing ako sa mga oras na ito. Halata masyado kung nagsasabi ako ng totoo. Nakakainis. Masakit sa ulo mo at ulo ko. Hindi ba?

9. Hindi ko hilig ang prutas. Ang tanging nakakain ko lang eh saging.

10. Mahilig ako sa gulay. Lalo na yung mga hardcore na gulay. Ano yun? Yun yung mga naglalaway, mapait, at green na green. Hindi gulay ang repolyo at kung ano anong sikat pag pumupunta ka ng baguio. Sabi ng nanay ko pampatalino daw ang gulay. Hindi ako naniniwala. Walang epekto sa akin ang gulay.

11. Tamad ako pumasok nuong college. Katunayan hindi ako kumokopya ng notes. Walang laman ang notebook ko paglabas ng classroom. Ang tangging dala ko lang ay tape-recorder. Ganun ako ka tamad. Pero gimmikero ako. Panalo lagi pag dating sa anong pwedeng gawin sa bakanteng oras.

12. Hindi ako marunong magluto. Mahilig ako tumikim ng pagkain, kung ano ano, walang pinipili. Katunayan, dalubhasa ako sa laranggan ng pag sabi kung ano ang masarap sa hindi. Normal at kakaiba. Kaya pag may handaan na espesyal, lagi akong nasa kusina upang maging kinakatakutang hurado ng mga ulam.

13. Varsity ako sa basketball at archery nuong college. Nagka medalya rin at nag laro sa palarong pambansa ngunit nabokya. Frustration ko ang swimming at table tennis. Haaaay.

14. Marami na akong napuntahan sa pilipinas. Wish ko rin makapagbyahe sa ibang bansa lalo na ang europa at africa. Mahilig ako mag travel kung saan saan. Kahit back pack lang solb nako. Kelangan ko lang dala ang comfort pillow ko o malong para hindi ako mamahay. Nature tripper ako.

15. Hirap ako matawa sa mga mababaw na jokes. Sobrang seryoso kong tao. Pero mas madali ako matawa kung may inaasar ako na hindi nila pansin inaasar ko na sila.

16. Kailangan muna lumindol ng intensity 12 bago ako kabahan at mapraning kung ano ang gagawin. Pero madali ako mataranta sa simpleng pagbabago ng daily routine or schedule ko.

17. Maaga ako nilapit ng aking mga magulang sa simbahan at sa Diyos. Pangalawang tahan ko na simbahan. Pero kahit na minsan hindi pumasok sa isip ko ang mag pari. Katunayan, mas nagging malapit ako sa kunsepto ng supernatural na nuong college nakasama pa ako sa tinatawag ngaun na spirit questors.

18. Hindi ako mahilig makipaglaro sa mga kababata ko. Nangolekta ako ng marvel comics. Lumaki ako kasama ang superfriends, Saturday Fun Machine sa Channel 9, Sesame Street, Bioman, Shaider, Voltron, Voltez V, Batibot etc. Eto ang kabataan ko. May collection ako ng Gi Joe at Magic Cards. Adik ako sa Dragon Ball Z.

19. Mahilig ako sa mga pets. Meron akong baboy, manok, kambing at baka sa aking bakuran. May pusa din akong laging kasama na ang pangalan ay choco. Katabi ko siya matulog. Pangarap ko umabot sa libo libo ang mga alaga kong hayop. Kahit bahay kubo basta may satellite dish at internet connection pwede na yun. hehe

20. Naniniwala ako sa astrology. Mga zodiacs (Aries, Leo), feng shui at mga pangitain sa kalikasan. Hindi kasi tatagal yan ng ilang libong taon kung walang basehan. Pero hindi ako nataya ng lotto, o bumibili ng mga bagay na pang pa swerte. Kalokohan yun.

21. Hindi ako mahilig magbasa o makinig ng anumang lecture. Mas natututo ako sa pagmamasid at pag titig sa paligid at mga bituin tuwing gabi. Lalo na sa panunuod ng mga palabas sa sinehan at telebisyon. Naririndi ako sa balita.

22. Matalas ang aking pakiramdam sa paligid. Madali kong na pipick up ang anumang scene o kayay tunog o salita na hindi ko naman sinasadya na maalala. Kaya madali ko rin nararamdaman kung ano ang totoo sa hindi. Sa lahat ng aking hinulaan, 99 percent mali ako. Kaya marami nagpapahula sa akin.

23. Kaya ko makipagtalo magdamag para patunayan sa iyo na ang upuan na nakikita mo ay hindi upuan. Pero madali ako susuko kung pagtataluhan natin ang ibig sabihin ng isang bugtong o palaisipan.

24. Madali ako ma impress. Galante ako sa puri.

25. Simpleng tao lamang ako. May mga simpleng pangarap. Simpleng kasiyahan. Bagama’t kapos sa mga material na mga bagay sa mundo at nagnonose bleed pag pinipilit ko mag ingles. Kaya ko naman mag chinese, japanese, german, french, spanish, at italian FOOD pag gutom. Syempre libre ng mga kaibigan ko. La ko pera eh. Haaay. pautang…huwaaaaa!

Alin ang Totoo? Alin ang Kasinungalingan?

Ang masasabi ko… TOTOONG TAO AT ALIEN AKO. Hehehehe! =)

* Nais ko lang iparating kay Dylan na nahirapan ako dito. Salamat nag enjoy ako. =p

29 comments:

yAnaH said...

-ano naman kayang dessert yung maalat?
-mahirap ka palang patawanin... hindi pala bebenta yung mga pakwelang hirit ko dito sa blog..
-mahilig ka pala sa mga ulol na gulay.. (i know kolny...)
-kumustahin ka naman kung propesyon mo lahat to ng sabay-sabay : astronomer, doctor, piloto, negosyante at abugado
ahihihihih

=supergulaman= said...

aheks...ang kulit nito... hindi ko mairelate ang sarili ko sau...mukhang contrast...aheks...siguro ang pareho lng ntin ay yung tamad mangopya ng notes...kaso mukhang hindi pa yata totoo yun... :D

gillboard said...

- bakit ayaw mo ng gatas?! ako nga pati taho, linalagyan ko nun...
-di ka mahilig sa mangga?
- sa ibang bagay ba galante ka rin? papalibre sana ako... hehehe
- hanggang ngayon nagbabasa ako ng comics.. ano meron ka?

2ngaw said...

GAME!!!!

pustahan tayo upuan ung nakikita ko? lolzz

Anonymous said...

Sa totoo lang habang binabasa ko lahat ng item sa post mo napapangiti ako. Isa pa, di ko alam na ganito ka kadaldal magkwento sa sarili mo, ang dameeeeeh!

"kumustahin ka naman kung propesyon mo lahat to ng sabay-sabay : astronomer, doctor, piloto, negosyante at abugado" sabi ni yanah.
- pwede naman ah! yun nga lang buhay ka pa kaya nun pag aralan mo sabay sabaw...

Hindi ka marunong magluto pero magaling ka sa tikiman at magsuri, yikes! Hilig kong magluto, di kasi ako mabubuhay sa instant lang.. kailangan eh, mahilig kasi akong kumain. Eh pano kaya kung matikman mo luto ko... waaaaah!


Ito lang muna... napa-interesante ng post mo about sa'yo.. Babalik na lang ako.. Baka magmukhang post yung comment ko eh..wehehe

Cheers Oracle.. Thanks for granting my request.;)

eMPi said...

sabi ko na nga e... na ALIEN ka... pabisita naman sa mundo ng mga ALIEN... papa-autograph lang ako... hehehe...

jhosel said...

huh? upuan? aling upuan? ano ba ang upuan?



ahaha. ang kulit.

wala ako masabi.. kundi isa kang CERTIFIED ALIEN! lol.

A-Z-3-L said...

i assume na ikaw at si SuperG ay nagkakaintindihan... pareho lng kayong self-confessed ALIEN!
para kayong Batman & Robin tandem pag nagkataon!
hehehehe!

Randy Santiago said...

yung number 19 ang kathang isip... hindi ko alam at hindi ko sigurado kung totoo. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang naisip ko. Siguro dahil kabaliktaran iyon ng number 11.

Salamat at nakilala ka namin. hindi man lubos ay medyo napagkuro namin na mahirap makipagtalo sa iyo nang magdamag kung ang pag-uusapan ay upuan nga ba ang upuan na nakikita! LOL!

Anonymous said...

hi oracle.. uhm, hanep.. ikaw pala yan? hehehe... uhm, anu bang masasabi ko? my mga ugali ako na kabaliktaran ng sayo like:
1. sobrang dali kong patawanin, hindi ko bagay maging serious.. ako ung tipo ng tao na kahit simpleng joke, at minsan korni, bentang benta sakin.. hehehe... jolly kxe ako..
2. i love to cook. mahilig ako magdownload ng mga menus sa net at niluluto ko sa bahay.. hehehe..

well, my mga similarities rin naman tyo eh.. mahilig rin ako sa mga gulay at ingay.. hahaha, hindi kxe ako sanay sa tahimik na mundo..

gayunpaman, eventhough we have differences, we can still compliment each other.. in our own way.. hehe.. ingat lage;)

iamsupersam said...

...grabe! kaya mo makipag talo para patunayan na hindi upuan ang nakita ko?...hahaha...
...inidoro ito..
peace!

...haha.. kumakalat na mga alien na katulad ko...
...galing mo naman matalas ang pakiramdam mo sa paligid.. clairsentient ka ba?... galing galing... (^^,)

ORACLE said...

@Yanna

sadya ko po yung desert as in desyerto jan sa dubai. Tikman mo maalat yan. Lolz! Joke! Mahirap ako patawanin pero malupit as mabilis ako humalakhak! hehe

@SuperG

lahat po ng entry ay pawang kasinungalingan at katotohanan. True lies. Hehe. Sample... Hindi ako nagnonotes talaga. Dahil ni rerecord ko talaga. Tapos pinakikinggan ko ulet paguwi sa ako gumagawa ng notes. Trip lng... hehe. Sipag-sipagan pero bopols. haha

@Gillboard

wala lang. kasi para syang pintura sa panigin. umiinom ng pintura puti kaya ayaw ko. Wala akong pera, utang marami. Gusto mo? Hehehe.
Marvel, DC. Mga limited edition at unang print.

@LordCM

upuan? weh! at paano mo nasabi ikaw ang nakakakita ng upaan? at hindi ikaw ang upaan at ang nakikita mo ay si LordCM? Cge nga. Hirit pa. Lolz.. =)

ORACLE said...

@Miss Dylan D

Salamat napangiti ka. =) Kung alam mo lang ang kunot ng nuo ko habang ginagawa naman ito. Lolz!
Titikman ko ang kahit anong luto basta galing sa puso!

The pleasure is all mine Miss D. =)

ORACLE said...

@Marco

Hindi po ako isang alien... hindi po totoo yun. Yun ang lie sa truth. hehe... =) Tnx marco

@Jhosel

uuy... magaling sa logic. nice question. Aling upuan? But the argument remains, a chair? an eye? a thought? Anjan ka ba? Lolz. Hmmmm... Mutant ka Jhosel. Malamang Tatay mo or nanay mo alien. Umuwi ka na... hihihi

@A-Z-E-L

Hindi po ako alien! Tsismis lang po yun. Si superG ang nagiisang tunay na Alien. Double lang ako. Extra. hehe

ORACLE said...

@mike avenue

ang 11 at 19 ay parehong totoo at hindi totoo. Upuan na lang pagusapan natin! hehehe. Salamat po sa pagtyga sa pagbasa ng mga wa wents kong posts.
See you around!

@hidden

wahahahahaha! ows? inodoro nga ba? o baka naman lababo? Weh. hehehe!

wow! alien ka pala! alam mo ang clairsentient na salita. hehe. yeah i guess. aware ako sa energies na pumapaligid sa akin. Pero may extra akong kapangyarihan para hindi ako maapektuhan. May agimat kasi ako. Nakatago. It's hidden. Lolz! =) Salamat!

jhosel said...

haha. naalala ko tuloy yung text message.

philosophy teacher: prove to me that this table does not exist.

student: what table sir?

~hay. lahat nga ng bagay ay pawang mga konsepto lamang. table ang tawag natin sa table kasi yun na ang nakasanayan. pwede namang oracle o jhosel itawag dun ah.

ahahay. sige na. magaling ka na. wala akong panama sayo. wahehe. baka sumabog lang ulo ko. join na lang ako sa tikim trip mo. di din ako marunong magluto e. [brat! ahehe] siguro i'll learn din in time. wehee. as of now, tara chow tayo. ahaha.

sige. uwi na ako. lol

2ngaw said...

ayaw ko na,tulog na ako lolzz

Anonymous said...

Dylan na lang.. Di ko bagay Miss D parang kikay.. lolz

Anyways, ayan nandito na naman ako..
Kasi gusto kong malaman kung anung dessert ang maalat, not unless na Ilocano ka, kasi may alam akong nilalagyan na kakanin na may asin eh..

Siguro sa astology tayo hindi magkakasundo, hehe.. Kung gusto mo ng bakbakan handa ako.. lolz

Marami palang alien sa blogospehere, ahahaha! Magtayo kaya (tayo)? ng club...? nyahaha!

Amorgatory said...

hahah yko talaga ang gatas dinnnnnnnn!!!!!!!!waaaaaaaaaaaaaaa yko nyan hahahlolness ,wla lang kkgcing kow lang murning oracle,anyways ayaw kow nang mdaming matamis ewwwww..lol.. pero ka hanga hanga ka pa din na alien kasi ang dami mowng talentow , minsan kalang mkkta nang alien na marunong mgvollball at may angking talino sa mundo nang sining at kultura wakaknesss, buti nalang walang nagtag sakin nito baka kasi nobela na ung klalabasan gaya mow libro na,hahaha, peace bro!atleast dito nakilala ka din namin konte, ksi kala kow kapatid ka ni maram auring heheh...blee!

. said...

Maniwala ka man o sa hindi, pero tinuturing kong pandayan ang blog mo. Ibig sabihin, lahat ng kaalaman na ibinabahagi ko sa iba ay kinukuhaan ko ng inspirasyon base sa mga sinusulat mo.

Ngayon alam ko na kung bakit. :)

ORACLE said...

@jhosel

"lahat nga ng bagay ay pawang mga konsepto lamang" korek jan! pero tayo'y mag iingat. Ang kunsepto na ito ay madaling gamitin upang isipin na ang katotohanan ay relative...

Salamat jhosel! =)

@lordCM

weh. anu ba yun! lolz! nyt! hehe

ORACLE said...

@Dylan

Sadaya nga po ang desert na nilagay ko. As in Disyerto. Kaya maalat. Lolz! Ilocano? Galing. May dugo nga akong ilocano. Hehe...

O sige... game! At bakit? Ano masama sa Astrology? hmmm... naalala ko tuloy si Astro Boy. Lolz...

May post akong gagawin tungkol sa Astrology soon... haha

Alien club? lolz! Pwede. May naisip nakong muse. Hulaan mo kung sino... weeeeeee! :p

ORACLE said...

@Amor

huwwwaaaaaa!!!! Hindi ko kamag-anak ni MADAM AURING! dati siyang kasambahay ng aking Lolang spiritista. Ninakaw lahat ng make-up ng Lola ko kaya pinalayas at sinumpa. Kaya ayun, nahilig sa mga batang boyfriend. Hehehe. Ang tanging kamaganak kong sikat na manghuhula ay si Nostradamus....

TINA-TAG na kita Amor! Nararamdaman kong magiging nakakatuwa basahin ang 25 mo! hehehhe

ORACLE said...

@Mugen

Naku po! Nahiya naman ako dun. Wala lang po ako.
Ang sa akin ay mga kuro kuro lamang. Kuro-kuro at aral ng buhay na ipinamamahagi ng mga bituing nag niningning sa madilim at malamig na gabi...

Salamat Mugen! Minsan mag star gazing tayo...=)

Anonymous said...

Nyak! Disyerto? lolz
May dugo din akong Ilocano pero dumudugo ilong ko pag sinusubukan kong mag ilocano..

Ah, ganun.. Di na ata uso si Astroboy nung pinanganak ako eh.. ibig sabihin, matanda ka na.. nyaahahahaha! Ubo! Hintayin ko na lang yung post mo about dun. ;)

Isa pang Nyak! Muse ng club? Bumuo ka muna, kaw leader tutal mas mukhang alien nga ang blog mo eh.. Piz! At wag mong sasabihing ako ang muse! Si paperdoll na lang, lolz

Anonymous said...

hindi pa ako nagbabasa..
napadaan lang.. hehehehe
medyo busy sa work
magandang tanghali!

Marlon Celso said...

Wahahaha nakakatuwa naman at nalilito ako kung kelan ka nagsasabi ng totoo o nagsisinungaling. hehehe Astig ang pagsulat mo nakakatawang ewan. Saludo ako sayo!
P.s AYOKO NG GULAY KAHIT HINDI HARDCORE. lols!

kalyo galera said...

16. Kailangan muna lumindol ng intensity 12 bago ako kabahan at mapraning kung ano ang gagawin. Pero madali ako mataranta sa simpleng pagbabago ng daily routine or schedule ko.


ang tindi nito! :D

Kosa said...

lols... usong uso ang ganito..
hehehe..
mahirap pero nakakatuwa..
amininnnn