Kanya-kanyang pangalan, pinagmulan, identidad, suliranin, pangarap at kagustuhan. Kanya-kanyang buhay. Ito ang isa sa mga realidad ng buhay. Kanya-kanya. Napaka simpleng kunsepto kung tutuusin. Ngunit naisip ko lang, sa simpleng kunseptong ito nagmumula ang maraming sama ng loob o problema na hindi naman dapat bigyan ng tuon. Mga hadlang upang makita ang katotohanan.
Oo. Sabi nga ng isang awit “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”, sa ingles naman, lagi nating naririnig “No man is an island”. Hindi ito ang punto ng post kong ito. Totoo. “Man is a social animal”, kailangan niya makihalubilo sa kapwa tao, ngunit sa maraming pagkakataon sa ating buhay, ang pakikihalubilo na ito ay sumosobra sa paraan na hindi natin napapansin. Sumosobra sa kung ano at alin ang dapat problemahin sa isang pang kapwa nilalalang, mapa pamilya, kaibigan, ka-opisina, kabrakada o kahit sa pag-ibig.
Mga pamilyang nagkakawatak-watak. Mga kaibigan na nagkakaaway-away. Pag-ibig na nauuwi sa kawalan. Mga patapon ang buhay. Mga nawawalan ng gana sa kanilang ginagawa. Mga nalilito sa kanilang pupuntahan o dapat gawin.
Kung ating susuriin ng mabuti, ang bawat pakikibaka ng ating puso at isip ay nakabatay na sa iba…
Para sa kanya, para sa iyo…
Laging kasalanan nila…
Laging gawa niya…
Laging siya or sila kasi….
Kung mamalasin ka pa at mag papaka emo. Ma de-depress ka. Na tipong tinatali mo na ang iyong sarili pati mga galaw mo gawa niya or nila. Na pati ang kasiyahan mo eh nakasalalay na sa iba. Sobrang pagmamahal. Sobrang concern, Sobrang pakikialam. Sobrang pagmamarunong. Sobrang pagmamalinis. Sobrang kahibangan! Madalas sa hindi naranasan na natin ito at patuloy parin mararanasan. Ang epekto kaguluhan, ang mailto sa bawat problema o pagsubok na dumadating sa ating buhay. Pagkawala ng control sa buhay. Eh paano ka mo nga ba ma kokontrol ang buhay mo kung sa iba ka nakatuon? Buhay nila ang nais mong kontrolin? Kalokohan diba!
Normal lang ito kung tutuusin. Ngunit nakaktuwang isipin na sa lahat ng ito. Sa paghahanap ng liwanag sa dilim, hindi natin lubos maisip na suriin muna ang ating mga sarili. Mas iniisip natin ang pwede o dapat gawin ng iba. Para bang nakasalalay na sa iba ang kasiyahan at kagalakan ng iyong buhay. Kung mararapatin lang natin tignan ang makinang na bituin sa ating mga puso, at bigyan tuon ang mga dapat ayusin sa ating sarili, malamang sa hindi ang kinang na ito ang siyang lilitaw na pinaka matingkad na bituin langit. Ang siyang magiging gabay sa anumang landas na ating nais tahakin.
21 comments:
galing!...gusto kong i-comment yun dating entry ko na "Buhay ko, buhay mo, buhay nating lahat"...aheks...
pero tama ka...hindi natin kontrolado ang mga bagay at buhay sa mundo...may malungkot, may masaya...kung sa kulay, merong black, meron puti... mula sa entry ko:
[pero hindi din ito about sa black and white., hindi ito tungkol sa presence at absence ng color, tungkol ito sa iba pang mga kulay.... ang buhay ay tungkol sa ating paglalakbay...sa ating pakikipagsapalaran.. "life is colorful" ...."life is precious" , ika nga... ang mahalaga, i-enjoy natin ang bawat sandali nito...]... ^_^
Philippians 4: 4,6-7
4 Always be joyful because you belong to the Lord. I will say it again. Be joyful.
6 Don't worry about anything. Instead, tell God about everything. Ask and pray. Give thanks to him. 7 Then God's peace will watch over your hearts and your minds because you belong to Christ Jesus. God's peace can never be completely understood.
Tama ka, minsan tayo ang gumagawa ng mga sarili nating suliranin. Tayo minsan ang sumasaktan sa ating sarili. Dapat talaga na suriin mo muna ang sarili mo at mag-reflect. HUmingi din ng Tulong sa Puong maykapal para gabayan ka sa tamang direksyon. :)
salamat sa pagdaan!
Gaya nga ng sabi ng mga tao sa ibabaw ko, eh kahit na may sabi ang ibang tao sa kung ano dapat gawin mo, sa huli, nasa iyo pa rin ang huling desisyon kung saang direksyon mo dadalhin ang buhay mo.
Di natin kontrol kung ano mangyayari sa bawat desisyon natin, so just enjoy the good, and take the bad and learn from it and move on.
Ganun naman ata talaga eh...lahat ng isipin mo dapat kasama ang iba, kung sarili mo lang eh makasarili ka nun...Ugali n natin yan, ang tutuo isa sa magandang ugali natin ang isama ang iba o ung mga nakapaligid sa atin sa bawat desisyon na ginagawa natin sa pang araw araw...
May kanya kanyang buhay ang tao. Pero di maiiwasang magkasalubong sa landas na tinatahak. Iiwas ka ba o makikihalubilo? Dun nagiging mahirap ang desisyon. Sarili mo lang ba dapat ang isipin o damay mo ibang tao? Sa huli ikaw pa rin ang may hawak ng manibela sa buhay mo. Hindi ka kontrolado ng iba kung sa buhay mo ikaw ang bida.
hay! buhay nga naman... hindi mo alam kong ano mga mangyayari sayo..
hmmm...just enjoy life and live it to the fullest!hehehe... (tama ba to?)...
Eh paano ka mo nga ba ma kokontrol ang buhay mo kung sa iba ka nakatuon? Buhay nila ang nais mong kontrolin? Kalokohan diba! Isip-isip!
Sa aking karanasan, masarap pagmasdan at minsan ay mangielam sa buhay ng iba upang mailayo ang sarili sa mga problema nitong kinasasadlakan. Kung ako man ay haharap na sa sariling problema, madalas ay mag isa ko itong bibigyan ng solusyon base na rin sa mga nakitang karanasan ng iba.
Hayun lang naman. :) Kanya kanya siguro tayo ng diskarte sa buhay.
“That there are no random acts. that we are all connected. That you can no more separate one life from another than you can separate a breeze from the wind.” -Mitch Albom
siguro noong binigkas ni Bob MArley yung “Who are you to judge the life I live? I know I'm not perfect and I don't live to be. But, before you start pointing fingers, make sure your hands are clean.” nararamdamam niyang KAILANGAN niyang makisalamuha sa ibat ibang klase ng tao pero nalalaman niyang hindi niya kailangang ikahon yung sarili niya sa kagustuhang gustuhin din siya ng ibang tao at sa mga panghuhusga ng ibang tao.
;p
Importante ang IBA sa buhay natin as long as hindi sila ang magpapatakbo ng sarili nating buhay!
Minsan, may punto sila sa bawat opinyon. Pero naniniwala pa rin akong tayo ang nagpapatakbo ng buhay natin. Choice natin kung asan man tayo ngayon.
Kung i-judge man tayo ng iba, who cares.. sabi ko nga lagi "you are not paying my bills!"
at ang sabi ng mentor ko: "To get something you never had, you have to do something you never did"
wow. ang lalim nanaman. at kahit ang mga comments above me malalalim din.
tama ka. bago mo pakialaman ang buhay ng iba. yung sayo muna ang ayusin mo. ikaw ang may control ng buhay mo. its your choice at hindi sa iba kaya kahit ano mang pakikialam ng iba sayo. ikaw pa din at the end of the day ang masusunod.
haiz. *mahabang buntung-hininga at reflection*
sobra namang tama ito..
kadalasan nga sa lahat ng suliranin sa buhay eh wala tayong control..kaya mas nagiging complicated..
me solusyon ka na ayaw namang makisama ng iba..ng pagkakataon..
tsk.tsk..
*padaan
ouch!
wala lang, natamaan ako.. these are the exact words running in my head right now, i mean bago ko pa mabasa to.. it was like my head is spinning around with these thoughts..
totoong hindi natin hawak o wala tayong kontrol sa buhay natin.. which is dapat alam natin kung sinu o anu? anung dahilan? saan patungo?
I believe we should all, by all means, allow God to control our lives. Sya ang author ng buhay natin. Kung tayo ang magpipilit na magsulat nun, that's the time na marerealize natin na hindi pala ganun.. that's why we should learn everyday..
However, nasa decision natin yun, i believe kung nasaan ka ngayon at anu ka ngayon, choice mo yun. kung hindi ka masaya ngayon, choice mo yun. So we should make the best decision in our lives thru His wisdom.. I believe I can..
I don't know if these words have something to do with your post, just my mind talking here..
cheers!
.." Naitanong mo na ba ang iyong sarili kung ikaw mismo ang gumagawa o may kagagagawan ng iyong kinasasadlakan? Na nasa iyong mga kamay ang tunay na kagalakan at kaganapan ng iyong buhay? "
...tama sa huli kung iisipin natin, tayo parin ang may hawak ng mga desisyon sa buhay,,..
..sila ay pawang mga kaibigan,kapitbahay, kamag anak o kahit ano pa na, nagbibigay lamang ng kanilang opinyon, ikaw parin sa huli ang magdedesisyon...
@idol superG
super korek! i-enjoy ang buhay sa sariling mga mata, hindi sa mata ng iba. bravo!
@Ycej eiram
very true! sa pamamagitan ng Diyos at pagninilay makikita natin ang liwanag. Kung ano ang dapat gawin. God bless!
@gillboard
kaya dapat ang mga desisyon natin ay naayon sa ating mga puso at isipan. walang dapat purihin o sisihin sa mga nangyayari sa ating buhay kundi tayo lamang.
@LordCM
tumpak! kaya nga tayong mga pinoy ang masasabing pinaka masaya at matibay lahi sa mundo. Pero syempre, kaakibat nito na tayo rin ang pinaka-emo. Kailangan alamin natin ang linya sa bawat makakasalamuha.
@Lownous
Hindi kinakailangan umiwas. Bagkos sa ating pakikisama sa bawat nilalang, dapat alam natin ang pwede at hindi pwede pakialaman. Respeto sa bawat isa. Kung baga dapat bigyan tuon natin muna ang ating mga saraling adhikain.
@Mayyang
Salamat sa pagdaan manang! Tama yun! Enjoy life to the fullest. Dapat enjoy tayo sa sarili natin para maging tunay na enjoy tayo sa buhay.
God Bless!
@Muggen
Tama! Kanya-kanyang diskarte sa buhay. Kaya dapat manaig ang respeto sa bawat diskarte na ginagawa ng iba. Dito natin mapapatunayan sa sarili natin na tayo mismo ang humuhubog sa ating sariling tadhana.
@Jhosel
Minsan na katahimikan ng ating kaluluwa maririnig ang tunay na kagustuhan sa buhay. Madalas masyado kasi tayong busy sa paligid natin, ang inggay ng mundo, nabibingi sa mismong sinasabi ng ating puso. Haaaaay.
@vanvan
kaya nga naman dapat sigurado tayo sa sarili natin. para hindi mawala ang kontrol na ito. hindi natin hawak ang kapaligiran, tanging ang sarili lamang ang panangga sa anumang pagsubok ng ating sariling buhay.
@Dylan
"I believe we should all, by all means, allow God to control our lives. Sya ang author ng buhay natin. Kung tayo ang magpipilit na magsulat nun, that's the time na marerealize natin na hindi pala ganun.. that's why we should learn everyday.."
Tumpak! Kailangan natin ang kanyang mapagmahal na gabay. Pabayaan ang Diyos na kuntrolin ang ating buhay, ngunit ating tandaan na tayo rin ay binigyan ng biyaya na mamili. Freedom. Choices.
We make our own choices. Our own predicaments.
Mismo! Kung anuman ng na fefeel natin, choice natin yun. Perspectives. It can make or break a person....
Salamat Dy!
@hidden
"..sila ay pawang mga kaibigan,kapitbahay, kamag anak o kahit ano pa na, nagbibigay lamang ng kanilang opinyon, ikaw parin sa huli ang magdedesisyon..."
Tama! kaya wala rin tayong dapat sisihin, baguhin, o pasalamatan kundi ang ating mga sarili sa anumang ating kinasasadlakan.
Sabi ng ng awit.. "I did it.. My way" =)
kapatid ang galing mowng magsulat un lang muna masasabi kow at akoy phtoshop mode,lolness hmmm maya tngan kow ang venus at ppictures..bye for now
Wow essay.
You cant really control everything, pero all will pass. Kaya ienjoy mo lang!
dumaan at nakibasa gamit ang mata ko..lolz..
Post a Comment