Dumating na ang araw na kanyang kinakakatakutan. Araw na kung tutuusin ay hinding hindi niya inasahan. Kung saan ang minsan na mundo na kanyang ginalawan ng mapayapa at tiyak, kumpante at masaya ay magbabago na. Isang pagbabago na uukit magpakailanman sa kanyang puso at isipan. Isang pangyayari na magiging malaking impluwensya sa mga susunod na desisyon at mangyayari sa kanyang buhay. Mapait at sapilitang pagbabago ng kanyang pagkatao.
Friday the 13th. Araw ng kamalas-malasan. Nagpasama sa akin si Mark upang ihatid kay Elsa ang katotohanan na kanyang nadarama. Ayoko sana sumama dahil alam ko masakit ang susunod na mangyayari, hindi ko na dapat pang masaksihan iyon. Ngunit pinilit ako ni Mark. Inaasahan niya ako na alalayan si Elsa na malapit rin naman sa akin. Kahit dinahilan ko na ang lahat na pwede kong idahilan, maghihintay raw siya. Late na ako dumating, mag 9:30 na nang gabi noon. Inabot ko silang nag-uusap na. Sa isang madilim na lugar sa Paco park. Mata sa mata. “Hindi na ako masaya sa iyo, hindi na kita mahal Elsa”. “Ayoko na, Tama na” walang emosyong pagkakasabi ni Mark. Kalmado at sigurado. Walang halong kung ano-ano pa.
Nanahimik ako sa isang tabi. Lumayo na ako sa kanila. Napatingin sa langit na nuong gabi na iyon ay maulap. Walang bituin, walang buwan na makita. Ang tanging meron lang ay ang inggay ng mga maliliit na insektong nakatira sa damuhan at puno ng park na iyon. Napakasakit ng mga oras na iyon para kay Elsa. Isang kundisyon kung saan hindi mo mawari ang pakiramdam mo. Galit. Asar. Habag sa sarili. Duda. Inis. Piliit inaalam ang mga dahilan sa mga nangyayari. Pilit humawak o hatakin muli ang pag-ibig na minsan ay kanyang kanya lamang. Pag-ibig na akala niya hinding hindi siya iiwan. Isang biyaya na kanyang maraming beses pinabayaan, at ngaun nagdesisyon na siya’y lisanin.
Wala akong magawa. Pilit ko man ibuhos lahat ng aking karanasan at nalalaman. Wala itong epekto. Walang anumang salita ang makapagpapagaan sa isang tao na nilisan ng kanyang pinakamamahal. Lalo na’t ilang araw na lamang sana eh mag aapat na taon na ang kanilang relasyon. Pakiwari ko kay Elsa, para syang buhay na katawan na walang kaluluwa. Lumulutang. Hindi alam kung saan patungo. Ang normal na takbo ng buhay ay biglaang nahinto. Ang minsan na malinaw na daan ay napuno ng alikabok ng nakaraan.
ORIGINAL POST DATE: 2/20/09
UPDATE 2/22/09: Medyo nawala ako bahagya sa sirkulasyon gawa ng pagtindi ngayon ng depression ni Elsa. Hindi ko mawari. Sinisiraan na niya si Mark at ako. Pinagdududahan ang lahat sa kanyang paligid...
24 comments:
..lufet mo talaga magsulat oracle! Idol narin kita!!..dalawa na kayo ni idol G! Tawag ko na sayo idol O!!..yes! Galing!
..napakasakit para kay elsa ng nangyari, tama isang black hole na hinihigop kahit pa liwanag ng pinaka maningning na bituin ay walang habas nitong hihigupin,
..ramdam ko ang nararamdam niya ngayon, masakit maiwanan... Lalo na't alam mong " hindi na kita mahal... "..naks!..
Napakasakit nga lalo't mahal na mahal mo...pero sana maging handa tayo sa mga bagay na ganito, masakit, oo, isang araw, dalawang araw, ilang linggo, pero ung abutin ng ilang buwan...takte!!!di lang sya ang tao sa mundo, mas may magmamahal pa sayo ng higit pa sa kaya mong ibigay...
Hindi lamang nakakalungkot ang paghihiwalay, ito'y tila isang nakakatakot na multo na patuloy bumabalik sa balintataw ng isang nilalang. Bagamat sa ganitong pagkakataon, nangyayari na isa lamang kadalasan ang lubos na nasasaktan, hindi naman katapusan ng sansinukuban. Maaari kasing ang hatid na dahilan ng paghihiwalay ay ang posibilidad na matagpuan sa ibang kandungan ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig.
"Walang anumang salita ang makapagpapagaan sa isang tao na nilisan ng kanyang pinakamamahal."
at habang buhay ang mga alaala at sakit na dulot ng paglisan ng minamahal.. nandun pa rin ung nagsusumigaw na katotohanan na napakahirap patapusin ang isang araw para makasimula ka ulit ng panibago..
hindi ko maipaliwanag ng maayos kung ano ang gusto kong sabihin o kung anong mensahe ang gusto kong iparating sa sinabi ko jan sa taas..
sensya na...
Hindi ko akalain pati may nosebleed din pala sa TAGALOG? hehehe Ang galing mo magsulat pwamis! lols!
Kawawa naman si ELSA, minsan talaga may mga bagay na nangyayari na mahirap intindihin ang dahilan. Ang pag-ibig, kapag nagmahal ka minsan hindi mo alam kung bakit..ganoon din sa oras na mawala na lang iyong pag-ibig. Walang dahilan ang pwedeng makapag-paliwanag. Basta na lang ito nangyayari, parang....
Magic! lols!
Padaan lang si Mr. Perspektib.
shets sana di kow na tow binasa,hahah pagkakaiba lang namin ni elsa ay akow ay isang martir at loyal na taow, pero iniwan pa din dahil sa nawala na daw kosa ang knyang pagmmahal sakin..ouch!!lol,,yup ive been there kaya lam kow mas mabuti pang nsa 20 ft below the ground ka ,kesa buhay ka nga para ka namang patay..but then sa isang puntow aanhin mo pa ang isang relasyon if isa nalang nagmamahal mas masahol pa un sa karumaldumal na pagtitiis,lol..so you have to let go and move on, mahirap sobra aabutin ka if malas ka nang 1-2yrs lol..pero nasa iyo ang pagpasya if gustow mo mgpakalusaw sa kalungkutans..prayers lang para kay elsa andyan na yan eh, may dahilan din kung bakit nawala ung pag-ibig s kanya nang llake, nasa huli na ang pagsisisi..THE WAY TO HEAL IS TO REACH OUT TO OTHERS..
gusto ko sanang maaawa kay elsa...at ayaw ko din naman syang husgahan sa mga nakaraang nagawa... pero hindi ganun talaga ang tadhana...mapaglaro... may dalang karma...mabuti man o masama...kailangang harapin, kailangang kayanin ang mga pagkakamaling naging dahilan ng pagkakalibing ng pag-ibig sa kanya ni Mark... tama na din siguro ang mga pagkakataon, mapag-isipan ang mga pagkakamali sa nakalipas na panahon.. at sa susunod na pagbangon nawa'y matutuhan na ni Elsa ang liksyon...
Huli na ang lahat…“Hindi na kita mahal…”
---ang sakit naman nito...
naicompile ko na ang lilok ni superg..panahon na rin siguro na icompile ko ito..ahehehe..
ok ba??
Nalungkot ako.
Eto ang kinatatakutan ko din
OO wala na kami ng boyfriend ko pero mahal parin namin ang isat isa. para ngang kami pero walang commitment.
Pero natatakot ako na dumating ang araw na sabihin nya din saakin na di nya na ako mahal at meron nang iba...
kaya ngayon palang...tinatatagan ko na ang loob ko.
masakit at mahirap ito para kay elsa.
pero kung ako din naman...
mas masakit kung mananatili ka sa isang relasyon kung saan hindi ka na mahal ng mahal mo.
mas dobleng sakit yon.
kaya although masakit itong nangyayari sa kanya ngayon. dapat niyang kayanin. at kung talagang mahal nia si Mark. magiging masaya siya para sa kaligayahan nito.
oo, masakit. pero hindi hihinto ang mundo para damayan ka. kelangan mo ding sumabay sa agos nito.. ahahay.
~btw. ang galing mo magsulat. tsk. hanga nanaman ako. grabe ang gagaling nio. nanonosebleed ako sa tagalog nio.[pati na din kay superG at Mike ave] lol. sige para jan, isang APIR ulit! lol.
hindi pa ako nagbabasa, ang haba.. hehehe
antok na antok na ako
sobrang pikit na ng mata ko..
babalik na lang ako
napadaan lang... hehehe
magandang gabi
takte!...kagagaling ko lang kay pareng SG at nabitin..dito rin pala bitinan din pala ang tema...lolz..
ang kasunod neto malamang masaya na..aabangan ko..
@Hidden
Wala po yan, Si IdolG ang talagang nag-iisang super Idol ng Bayan! =) Sa kasalukuyan, mas tumitindi ang depression ni Elsa, nakakaawa. Marami siyang ginagawa na hindi niya pansin na nagmumukha na siyang desperada. Sana kayanin niya. haaaay
@lordCM
Tama. Kaya lang paano kung ganun? Ang tanging gusto lang niya ay ang kahapon? Na tipong dibale na ang pwede dumating, mas nakatuon siya kung paano maibalik ang nawalang pagibig ni Mark. Ouch!
@
@Mike Avenue
Korek! Kaya lang para sa isang pusong sugatan, lalo na ang isang iniwan, hindi ito ang nasa isip niya, Ang tanging nasa puso lamang niya ay nasa kahapon at hindi ang hinaharap. Nakakalungkot.
@Yanah
May iba tuluyang hindi na nakakabangon, dahil ayaw nila mismo bumitaw sa kanilang kinasasadlakan. Nakakaawa, pero kung tutuusin, wala ka rin naman magagawa kundi alalayan at ipagdasal ang mga taong sawi sa pagibig.
@Marlon
Hahaha! Magic talaga! Hindi maipaliwanag pero kitang kita at ramdam na ramdam mo. Ganun siguro yun, ang anuman na matindi ang epekto sa ating pagkatao ay mananatiling Magic na kailangan tanggapin... Salamat!
@Amorgatory
Yup. Very socialble naman si Elsa, ang problema nga lang, sa ngaun, ayaw niya mag reach out sa iba, nakay Mark lang siya nakatuon... hirap talaga!
@superG
Oo nga idol. Sana nga matutunan niya ang liksyon. Pero bago pa yun kailangan niya muna malagpasan ang stage na ito. Palagay ko, habang si Mark lamang ang nakikita niyang option, malabo ito mangyari...
@vanvan
nahiya naman ako. hehe. Hindi ko alam kung gaano kahaba ang magiging istoryang ito. Ibinabahagi ko ang mga pangyayari "as it unfolds". Bago ko ito buksan kanina, meron nanamang nangyari hindi maganda... Abangan! Maraming Salamat!
@Ycej Eiram
Nawa'y sa tulong ng Diyos ay tunay ngang tibayan ang loob mo... Kaya mo yan. Dapat kayanin, anuman ang mangyari. Gawin hindi para sa kanya, kundi para sa sarili.
@jhosel
Maraming Salamat. Kung sana nga ganun lang kadali isipin ang kasiyahan ng Mahal mo sa piling ng iba. Ngunit ang dahilan ng sama ng loob ay ang pagkaiwan sa isa, hindi sa kung masaya ba ang mahal niya sa kanya... yun ang realidad.
@Ms. Donna
Gandang umaga! Salamat sa pagdaan! Balik ka lang anytime... =)
@PaJAY
Hehe. Sencia na, kasi talagang sa mga oras na ito nagpapatuloy ang kwento nila sa totoong buhay. Sana nga masaya na, pero nuong mga nakaraan na araw hanggang kanina, mas tumitindi ang desperasyon ni Elsa.... abangan.... =)
nasaan si elsa?
alam kong higit kaninuman,
sya ang wala sa ulirat.
hangad kong muli syang makatagpo ng bagong pagmamahal... upang mas madali nyang makalimutan ang kanyang nakaraan.
iyon daw ang pinakamabilis na proseso... pero hindi patas.
gayunman, sana'y hindi sya mag-isip maghiganti. dahil alam kong ang pinakamasakit na paghihiganti ay galing sa pusong dinurog at niyurakan ng simpleng katagang "hindi na kita mahal".
aabangan ko ang buhay nya... umasa ka!
awwww... serye ba to?
parang di ko nasubaybayan ahh..hehehe
o sya sya.. napadaan lang po..
kitakits
ayoko muna makelam sa buhay pag-ibig ng ilang tao... hehehe
@AZEL
Ang sakit ng damdamin na pilit humihingi ng dahilan sa kawalan ay malimit humahantong sa galit. Ang galit naman na ito kung hindi maibsan ay patungo naman sa paghihiganti. Ang hirap. Pero wala tayong magagawa. Na kay Elsa na ang bola kung ano ang maaring gawin niya para hilumin ang sarili. Sa ngaun, si Elsa ay patuloy na lumulutang...
@Kosa
Hehehe.... siguro ganun talaga ang kwento ng buhay. Isang patuloy na serye ng kanya kanyang buhay. Bawat desisyon at pagkakataon ay isang tagpo ng panibagong dagdag sa kwento... Salamat sa pagdaan!
@gillboard
korek! hehe... concentrate sa sariling lovelife... =)
props to you oracle kahit mejo nahirapan ako magbasa, i also kinda didn't understand some of the words...grabe ang lalim ng tagalog mo! in any case, you perfectly described how it feels to have your heart broken as you watch your world fall apart right before your very eyes.
You transported me back to the time when I experienced my first heartbreak---"here's rock bottom, below that is a pile of garbage...then there's me..." I could equate that break-up to what I felt when my dad passed away...para talaga akong namatayan..what's even worse is I know that the man who promised to love me forever chose to stop loving me..
Mabuti pa yung namatay kasi hindi naman nya pinili na hindi ka na mahalin...
To Elsa: it's not the end of the world sweetie...for now you can cry and grieve your loss then when you have learned to accept reality and decided to let go only then can you move forward...it'll just take time...
@Michy
"Mabuti pa yung namatay kasi hindi naman nya pinili na hindi ka na mahalin..."
Sakto! Sobrang hirap talaga. Kahit it's really not the end of the world, but for Elsa, Mark was her world. I hope she pulls through in time...
Maraming Salamat!
Post a Comment