Monday, February 23, 2009

Keso ano? Keso kasi! Keso dapat.

Kakatapos ko samahan ang aking pusang si Choco para maglabas ng sama ng loob sa aming maliit na bakuran. Pansin ko na hindi na ganun ka lamig. Ang ihip ng amihan mula sa hilaga na nagdadala ng lamig ay parang humihina na. Senyales na ang posisyon ng mundo sa orbito nito ay papalapit na sa araw. Mas nagiging madali makakita ng shooting stars sa mga panahon nito. Sa aking paglalakad ng payapa sa maaliwas na gabing ito sa munti kong hardin, habang ginagawa ni Choco ang dapat niyang gawin, napaisip ako tungkol sa “kakesohan” ng tao.

Alam mo yun? Yung mga pagkakataon na animo eh para kang nandidiri sa mga sinasabi mo? Yung tipong habang nanunuod ng sine o telebisyon eh kinikilig ka na hindi mo alam kung bakit? Pag mahilig ka naman magbasa, yun yung tipong inuulit-ulit mong parte na basahin? May ginagawa ka na parang sobra sa normal na dapat na kilos para sa isa pang nilalang? Minsan may kasama pang luha na pilit mo ikinukubli na hindi makita…

Keso Eweee….. Keso yuck…. Keso anu ba yan….

Natatawa ako! Sabagay, sabi ko sa aking sarili, hindi ka nga naman talaga mapapakain ng mga kakesohan na ito. Hindi mo mararating ang mga pangarap sa buhay sa kakesohan na ganito. Sa mundo o buhay na kung saan ang matibay ang siyang natitira, hindi nakapagtataka na ang tao ay tila naturuan nang ikubli ang kanyang mga emosyon. Emosyon ng tunay na nararamdaman para sa pamilya, kaibigan at lalong lalo na sa iyong kabiyak o pinakamamahal.

Ang presyo ng isang painting ni Da Vinci tulad ng Mona Lisa ay sapat na upang pakainin ang lahat ng batang matutulog ng gutom sa buong mundo sa gabing ito. O ang himig ng mga kumposisyon ni Mozart o Bach na ipinaririnig sa mga batang sanggol ay maaring makatulong upang sila ay maging “gifted”. Na ang isang Bob Ong ay maaring sumikat na hindi kinakailangan makita o makilala. Mga makapangyarihan kung tutuusin, lahat dahil lamang sa pagpapakita o pagpaparamdam ng tunay na damdamin. Hilig natin mga kakesohan sa musika, palabas o babasahin. Pero para manggaling mismo sa iyo, ang tunay mong nararamdaman, nakakahiya. kahibangan nga ba? Nakakabaliw.

Maaring OO, kakesohan nga. Kesong hindi magpapayaman saiyo, Kesong hindi ka papakainin, kesong maari pang maging balakid upang makamit ang sukat ng tagumpay na hinihiling ng mundo. Ang punto ko dito ay simple lang, bakit kailangan ng tao mahiya magpakakeso kung tunay naman niya itong nararamdaman? Ano nga ba ang nakakahiya kung sasabihin mo ang totoo mong nararamdaman para sa magulang, kapatid, kaibigan o iyong minamahal? Maghihintay ka na lamang ba kung wala na sila? Maari kaya na ang kakesohan na ating itinatago, ikinakahiya o iniiwasan ang susi sa tunay na kaligayahan o kasiyahan ng ating puso’t kaluluwa? Ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay at nais patuloy na mabuhay?

Hindi ako ma kesong tao. Nagtatanong lang naman.

Hmmm… Isip isip…..

Keso ano? Keso Kasi! Keso Dapat.

(*pati ata ang blogspot ayaw sa kakesohan...Lolz
Ayaw lumabas ang word verification pag comment embedded sa post.
Naayos ko na. Sa lahat na nagtry. Maraming salamat.
Please check yours too kasi marami rin ako nadaanan na ayaw. tnx!)

19 comments:

ORACLE said...

May topak ata ang word verification ng blogspot.... anyways.... Sa mga nagcomment gamit ang cbox....

@Yanah

"GAWIN(SABIHIN) NGAYON GAWIN(SABIHIN) MO NA DAHIL BAKA MAWALAN KA NG PAGKAKATAON..di makacomment"

Korek... sabi nga ang pagsisisi ay nasa huli...
Salamat sa comment kahit di makacomment... hehehe

@lordCM

"Plastik nga ako diba? kaya no comment lolzz"

Hahahaha! Salamat parekoy!... =)

ORACLE said...

@Jhosel

"di ko alam kung keso ako. malamang oo, malamang hindi. ahaha. siguro nasa way yan ng pag-express ng emotions. pero anyhow. tama ka.
wala namang masama ah. basta ang lahat ng emotions mo e tunay at mula sa puso.. wah. tama na. ahaha. tc!"

Tama! Wala talagang masama. Lalo na if totoo at galing sa puso. Siguro ayaw lang talaga natin kasi pinapakita natin na vulnerable tayo bilang tao... Salamat! =)

Anonymous said...

Nature naman na ng tao ang maging emo, keso at corny, vulnerable..whatever you call it..

It's a matter of dealing with it, I guess.. Mahirap kasi yung masyado kang attach sa mga bagay bagay na di naman importante talaga sa buhay..

At nandito na naman ako..lolz

ORACLE said...

@Dylan

"Kadalasan kasi ang mga kakesohan natin ang nagdadala na sa tin nang di natin napapansin..."

eh baka nga kasi di natin napapansin kasi yun ang totoong nararamdaman. Lolz! =)

A-Z-3-L said...

natural na ata saten ang kakesohan...
pero anu't ano pa man... dapat lamang na sabihin o ipakita kung ano ang nararamdaman. mabilis ang takbo ng mundo. bumibilis ang mga pangyayari. baka magsisi na lang tayo isang araw, dahil wala tayong nagawa para aminin ang totoong nararamdaman.

tama ka. pinipigilan natin ang ating emosyon... kaya madami sa atin ang hindi makaramdam ng kaligayahan at kapayapaan...

guilty ako. isa akong keso! aw!

ORACLE said...

@Dylan

"Mahirap kasi yung masyado kang attach sa mga bagay bagay na di naman importante talaga sa buhay.."

Korek! Eh ano ba yung hindi mga importante sa buhay? Pano kung parte talaga ang ka kesohan sa buhay? Importante din kaya yun? hmmm... =)

ORACLE said...

@AZEL

Palagay ko nga lahat naman eh "guilty" sa pagiging keso...

Ayaw lang nila aminin...

Keso ano! Keso kasi? Keso dapat.

Walang taong hindi keso,
Pero may mga taong gusto mag paka robot... =)

jhosel said...
This comment has been removed by the author.
jhosel said...

togoinks! anjan napala. ahaha. di ko nakita. buti naman okay na.. ahehe. asan na yung hipon.. lol.

Anonymous said...

Okay lang yung paminsanm minsan, part kasi ng buhay yun, sabi ko nga nature na nilang mga tao..(exempted ako?) ;) ma-feeling eh noh..

Nararamdaman? Ba't napunta na naman sa emotion?!

Nyaha.

gillboard said...

ako rin normally, di isang makeso na tao, pero gaya ng sabi ko dati... minsan sa buhay kelangan nating makaramdam ng kahit na konting kakikiligan...

ORACLE said...

@Dylan

Malamang mapupunta sa emosyon kasi kakesohan nga diba...

kung baga ang emosyon may levels...

pagkakesohan na... eh yun na siguro yung pinaka malalim na klase kasi pati katawan mo sumasabay na..
i.e. kilig, iyak, emo etc...

wehe!

ORACLE said...

@gillboard

oo nga. kilig. lalo na yung kakaibang kilig. Na nginginig! hahahaha!

hapi bertdey parekoy! blowout naman jan!

=)

iamsupersam said...

..kasama sa pagtanda ang ka kesohan..siguro normal nga ang kakesohan sa isang tao, kasi lahat tayo may damdamin..syempre natural lang na makaramdam o maging keso..
..keso nga ba?..

ORACLE said...

@hidden

hehe. nagkakaintindihan tayo Hidden. Sabi ko na eh. Pareho ata tayo ng galaxy na pinanggalingan... Salamat!

=)

=supergulaman= said...

anung kakesohan ito?...aheks..galing ulit...

pero alam ko sa keso masarap yun..peborit ko kaya yun...aheks...

bakit hindi ihayag ang tunay na nararamdaman... ang sabi nga ng tatay ko noong nabubuhay pa sya:

"sa panahon ngayon hindi na uso ang mahiyain... dapat walang hiyain..."... ^_^

Anonymous said...

diba ang keso yummy pag kinain? uhm, favorite ko un eh.. hehehe

but when it comes to real life, i think ung keso na cnsb ko, hindi yummy.. well, maybe it depends on a person on how he/she would deal with it.. kxe ang kakesohan naman natural na yan sa atin..

and siguro, kailangan lang natin panindigan ung mga cnsb natin.. fight for the things that you know is right.. and fight for the person that you know is deserving..

ganun lang naman ang buhay eh.. we should know when to fight and when to let go..

;)

ORACLE said...

@Idol SuperG

"sa panahon ngayon hindi na uso ang mahiyain... dapat walang hiyain..."... ^_^" - Napaisip mo ko dito. Hehehe! Salamt IdolG!

ORACLE said...

@Aisa

"fight for the things that you know is right.. and fight for the person that you know is deserving.."

Alam mo itong mga salitang ito ang nagpapatibay sa akin ngaun. Slamat Aisa....