Tuesday, February 10, 2009

Liham...


Mahal kong Kaibigan,

Kamusta ka na? Sana nasa mabuti kang kalagayan...

Ramdam ko ang kaguluhan na tumatakbo sa iyong puso't utak...

Pakiramdam nang pagkalito, takot, pagod, kawalan ng gana, mga sikretong kahibangan na pilit mong ikinukubli sa iyong sarili at sa iba...

Pilit ibinabaon sa iyong "subconsciousness" kung saan tingin mo ito ay hindi makakaepekto sayo...

Masaya ka nga ba aking kaibigan?

Oo buhay ka nga... ngunit naranasan mo na bang mabuhay?

Alam mo nga ba ang dahilan kung bakit patuloy kang naglalakbay?

Alam mo ba kung saan ka patungo? Alam mo ba kung ano ang gusto mo?

Sa lahat ng nangyari na sa iyong buhay at pinagdaanan...

Sa bilyon bilyong tao sa mundo... Alam mo ba kung ano ang halaga mo?

Sa milyon milyong semilya ng iyong tatay, bakit ikaw pa ang nabuhay?

Sa libo-libong itlog ng iyong ina na nauwi sa regla, bakit ikaw pa ang naging sanggol?

Sa daan-daang araw na maraming namamatay, bakit naririto ka pa?

May isasagot ka nga ba?

- ORAKULO

* Ang blog na ito ay aking buong pusong inihahandog sa aking pinakamamahal.
Ikaw ang dahilan, ikaw ang patutunguhan, ikaw ang aking kayamanan...

12 comments:

Kosa said...

sinu man yung kaibigan na yun,
sobrang swerte nya...
nakakatuwang marinig na madami ang katanungan na hindi tinatanong madalas...

Hindi na mahalaga kung "Bakit ako pa" at "gaano ako kahalaga"

ang mahalaga, ginagawa mo yung mga bagay na kaya mong gawin sa lahat ng iyung makakaya..

wag kang mag-expect ng perfect sa isang hindi perfectong tao...

yun lang po!

kitakits

salamat sa pagdaan sa aking blog

iamsupersam said...

salamat sa pagdalaw at pag sunod sa aking blog! (^^,)

eMPi said...

wow... liham para sa kaibigan.. sweet naman...

salamat pala sa pagdalaw!

jhosel said...

"Hindi na mahalaga kung "Bakit ako pa" at "gaano ako kahalaga"

ang mahalaga, ginagawa mo yung mga bagay na kaya mong gawin sa lahat ng iyung makakaya.."

tama. tama. buhay ka. at yung ang mahalaga, kaya dapat magpasalamat at gawin itong makabuluhan..enjoy life and live it to the fullest ika nga.

wee. salamat sa pagdaan sa aking chocolateng mundo. add na din kita sa links ko.

ORACLE said...

@Kosa

"ang mahalaga, ginagawa mo yung mga bagay na kaya mong gawin sa lahat ng iyung makakaya.."

Tama! lalo na kung masaya kang tunay sa iyong ginagawa. Hindi ako nag eexpect ng perfection dahil wala yan sa mundong ito. Ngunit naniniwala ako na maaari natin mag sumikap patungo rito. Salamat sa padaan!

@hidden

hmmm.... na intriga ako sa mga posts mo... okay ka lang ba? Salamat... Kita kits...

@MarcoPaolo

Sweet? Hehe... Mas sweet ka nga eh. I like your poetry and your thoughts... You speak italian?...

@jhosel

hmmmm... based on what i've read sa blog mo...
hindi kaya may magic ang mga chocolates mo?...
God bless...

paperdoll said...

haha. . salamat sa pagdaan. .

kung aco ang kaibigan mo wala acong sasagutin jan. . lol

Amorgatory said...

kakaiba tong blog mo parekoy..napdaan aaadd na dn kta sa aking mundong magulo hahaha..

Anonymous said...

sabi nila, lahat gustong maging masaya..at ang tunay na kasiyahan daw ay matatamo lang kung matatagpuan mo ang halaga mo sa mundong ito..

may we all be in touch with our purpose..may we all be happy..
ingatan ka ng Diyos..

gillboard said...

salamat sa pagsunod sa blog ko...

welcome sa mundo ng blogging!!! kung bago ka man dito... hehehe

ORACLE said...

@paperdoll

haha! salamat sa pagdaan din! well said! respected!

@Amorgatory

oo nga. sencia na sa kakaibang blog naito. kailangan ko lang mailabas ang kakulitan ng aking utak. Kita kits..

@elainetorrico

So true! Same to you. Purpose. Direction.
Live life to the fullest. God bless! =)

@gillboard

... salamat sa welcome... =) see you around

Kosa said...

teka, bakit copypaste ni Jhosel yung comment ko?hehehe

peace

nagtatanung lang..

ORACLE said...

@kosa

hehe... isa ka kasing pantas Kosa... =)