Saturday, February 14, 2009

Mahal ko... (Valentines Date)

Mahal ko,

Kauuwi ko lang... Kasama ko hanggang hatinggabi si Mark, Elsa at Rey sa “batcave” sa resort na minsan ay tinawag nating “ground zero”. Galing si Mark sa Manila Cathedral, kasama si Riza. Awang awa ako kay Elsa, ramdam ko ang sakit na dinaranas niya, pero alam ko malalagpasan niya rin iyon. Sana. Ayos naman ang mga sinabi ni Rey, natawa nga ako kasi ngaun ko lang narinig si Rey magmura ng ganun ka lutong para bigyan supporta si Elsa. Kilala mo na man iyon. Kahit ako ibinigay ko na lahat ng pwede ko ibigay kay Elsa, sana nga nandun ka at alam ko marami ka pwedeng maipayo o masabi para makatulong sa nararamdaman niya. First time kasi ni Elsa sa ganitong sitwasyon. Sobrang saya ni Mark, hinahanap ka nga sa akin, sabi ko pinagpahinga na kita kasi medyo napagod ka sa date natin, galing ka panaman sa sakit. Ininum mo na ba medicines mo? Nag-aalala ako sobra. Kung pwede lamang ipasa ang karamdaman na iyan, buong puso kong tatanggapin. Alagan mo naman please kasi ang sarili mo ha? Huwag matigas ang ulo...

Mahal ang saya saya ko! Habang nagmamaneho ako pauwi kanina, kusang paulit ulit nag pla-play yung valentines date natin sa utak ko. Parang “last song syndrome”! Kahit sa araw-araw pakiramdam ko eh valentines mula nang nakilala kita, di ko lubos maisip na ang ligaya at pagmamahal na aking nadarama ay hindi pa pala sukdulan. Parang kada araw na lumilipas, mas lalo pa itong nadadagdagan. Para bang yung tingin kong todo na, eh hindi pa pala. Haaaay! Ang sarap sa pakiramdam. At laking pasasalamat ko sa May Kapal na ika’y aking natagpuan. Siguro nga. Sana nga. Ito na yung walang hanggang na sinasabi nila. Napakapalad ko sa iyo. Sa tagal tagal ng panahong paglalakbay, sa dami ng lugar na akin ng napuntahan, sa iyo ko lamang naranasan ito. Tunay at lubos na pakiramdam na walang duda, pakiramdam ng kapayapaan na nagbibigay dahilan sa lahat ng hindi ko maintindihan. Sa malikot kong isip, sa buhay kong minsan diko mawari ang pupuntahan.

Bakit sa tuwing ika’y nakikita tila kinakabahan ako? Kaba na puno ng saya na hindi ko maipaliwanag! Pagkasabik na tila ang tagal-tagal na kitang hindi nakita. Mula nang magkita ang mga mata natin kanina para sa ating date, parang nakasulyap nanaman ako sa langit. Pakiramdam ng nahuhulog muli. Na parang napapadpad ang aking kaluluwa sa kakaibang dimensyon. Na kung saan ang paliwanag ay hindi ko maarok. Na kung saan ang pag-ibig na nadarama ay sapat na upang sagutin ang lahat ng aking tanong…

Nagustuhan mo ba ang mga pulang-pulang rosas na ibinigay ko? Ako mismo ang nagtanim at nag-alaga ng mga iyan, pinitas sa saraling hardin na ipinangalan ko na sa iyo. Bago paman ako pumunta sa inyo kanina, buong tiyaga kong tinangal ang kada tinik sa mga bulaklak. Nasugatan at nasaktan man ako nang maraming beses kakamadali, mas gugustuhin ko na iyon, keysa naman ikaw ang matinik at masakatan. Hinding hindi ako papayag na mangyari iyon, hindi ko kakayanin…

Nagustuhan mo ba ang cottage natin sa tabi ng dagat? Natuwa nga ako nung isang linggo nang ipareserve ko ang cottage na yun. Iyon ang paborito kong lugar sa tuwing mag i-iscuba ako sa anilao. Kitang kita ang malawak na dagat at mga karatig na maliit na isla. Iyon ang pinakatutok ng burol sa resort. Medyo nakakapagod umakyat paitaas. Kaya binuhat na kita kanina. Galing ka panaman sa sakit Tawa ka ng tawa kasi alam mo tagaktak na pawis ko, pero kung alam mo lang kung gaano kasaya ako tuwing nakikita kitang nakangiti at puno ng saya. Parang kada halak-hak mo sumasabay ang puso ko. Wala akong magawa kundi titigan ka at namnamin ang kada minutong dumaraan na parang ang bilis. Mabilis pero parang tumitigil ang oras. Hindi ko mawari!

Napakaswerte natin. Tayo lang pala ang mga guests kanina sa beach resort na iyon. Ang tahimik ng paligid. Ang ganda ng panahon lalo na’t malapit na mag-sunset ng tayo’y dumating. Napakapayapa. Ang malumanay na tunog ng alon at huni ng mga ibon pauwi na sa kanilang mga pugad. Ang maginhawang hangin na payapang dumadapo sa ating mga mukha habang ini-enjoy ang katahimikan kasabay ng pag-lubog ng araw sa dagat…

Sorry ha, ang daldal ko kanina! Nakakahiya. Hindi na kita pinasingit magsalita. Dire-diretso ako na parang wala nang bukas. Hindi ko kasi mapigilan ang aking sarili. Parang kada minuto na dumadaan eh kulang para masabi ko ang gusto ko sabihin… para maipaliwanag ang aking nadarama… mga pangarap para sa ating dalawa. Sapat na ang tingin at ngiti ng iyong labi habang nakahiga ka sa lap ko upang malaman ko na naririnig at naiintindihan mo ang kada salita na lumalabas sa aking bibig. Hindi ko maintindihan ang aking kasiyahan habang hawak ko iyong isang kamay, habang ang isa naman ay pinapadaan sa iyong buhok, pilit pumapawi at humihigop ng lahat ng pagod, kaguluhan at kalungkutan na iyong nadarama… Hindi ko na isasama pa dito ang mga sumunod na nangyari. Sa ating dalawa na lang iyon, kung saan itatago ko habang buhay sa aking puso ang mga oras na tila ang dalawa ay tunay na nagging iisa…

Mahal maraming salamat. Hindi ko ma express sa mga salita ang aking nadarama. Hindi ko ito maintindihan. Hindi ko rin lubos ma isip na posible para sa akin ito. Hindi ko alam kung tama ba o mali. Ang alam ko lang masaya ako nandyan ka at nakilala kita. At dahil dun ramdam ko at alam ko mas nagiging mabuti akong tao gawa mo. Hindi ko talaga alam. Pero sana batid mo na naririto lamang ako para sayo. Kapiling ka lagi. Malapit o malayo man. Para ikaw ay alagaan, ikaw ay samahan. Ika’y saluhin at ika’y paginhawain. Ang dami kong gusto sabihin. Sobrang dami kulang ang oras sa buhay na ito, pero sa lahat ng iyon, simple lang lang naman ang katotohanang nanahan na sa aking kaluluwa….

Mahal na mahal kita…

And I’ve never felt anything so sure in my entire life…

-Orakulo

* Kailan mo huling ipinaalam sa mundo ang pag-ibig mo sa mahal mo? Ti-natag ko ang lahat na babasa nito. Sige nga... Say what you mean, mean what you say. An Open Love Letter. Sa mahal mo, sa mamahalin mo, sa nameet mo, sa hindi mo pa nameet. Sa pinag-breakan mo. Just let it out, "How do i Love thee"...

14 comments:

Amorgatory said...

huwaw!!!parekoy ang swettttttttttttt moooooooooooo!!!omg hahahah super swerte naman nang mahal mo prmse!!and hanga akow sayow ksi nga pinagsigawan mo pa tlga sa mundow !!weeeeeeeeee!!bkt ang mga llake ngayon ang sweet sweetan na?hahahha...parekoy keep it up at saka belated vday na dn!!

gillboard said...

gustuhin ko man gawin itong tag mong ito... wala naman akong paglalaanan... at least wala pa.. hehehe

. said...

Bigla kong naisip, paano nga ba umibig. Napakabukal ng iyong pag-ibig sa iyong kabiyak.

Sana ay magaling na siya.

2ngaw said...

Hehehe :D buti na lang wala pang araw ng mga puso eh puro sa para sa mahal ko na ang entry ko, di na kelangan gumawa ng tag :P

=supergulaman= said...

ayuz...gusto kong gawin itong tag na ito...pero 60%+ ng entry ko related na sa aking buhay pag-ibig...ngunit magkagayun man, baka sa mga susunod na araw, atakahin na naman ako ng kakaibang "love virus"...

tama, masarap ipagsigawan ang isang pagmamahalan...lalo na at tunay at wagas... :)

ORACLE said...

@amorgatory

ako ang swerte sa kanya... salamat! maligayang araw ng puso rin sayo... =)

@gillboard

meron yan.... minsan nasa tabi mo nalang... hindi mo lang napapansin... darating din yan...

@Mugen

alam mo hindi ko rin alam. How is it to love?
I don't know. Basta ako, im just being real to what im feeling. Honesty. No regrets. No apprehensions...

Sana nga gumaling na siya. Nag aalala ako sobra. Sabi ko nga pumunta na kami kahit anong hospital gusto niya, ako na bahala. Kung pwede lang akin na lang yung karamdaman na yun. Ipasa na lang niya sa akin. Well, gagaling din siya. Di ko siya pababayaan. Salamat!

ORACLE said...

@Lord CM

Hehe! Korek! =)

@SuperG

Yeah. Sarap sa pakiramdam na alam mo ginagawa mo... alam mo nararamdaman mo... at sigurado ka sa sinasabi mo... It brings one to a higher level of security. Confidence and consistency...

It's not about being persistent...

It's just being consistent. Parang ganun! Sana ayos na pc mo.... =)

jhosel said...

naks. ang sweet naman. grabe ang tindi talaga ng love. hay. best wishes sainyo ng kabiyak mo. ;)

Anonymous said...

uhm, hayz, love love love.. walang katapusang love.. hehehe, kelan kaya ako makakaramdam ng sobrang pagmamahal? lam mu sa totoo lang? natatakot akong ibigay ang 100% ko sa isang relationship kxe natatakot akong masaktan.. and saka hindi ko pa nahahanap ung one true love ko.. wala pa akong nakikitang karapat dapat mahalin ng tunay at buong buo.. ung hindi ka sasaktan, ung kahit anung mangyari, kaw lang ang mamahalin nia.. ung my assurance ka na nag iisa ka lang sa buhay nia..

hayz, uhm, ang sweet mu naman, hindi ka natakot ipagsigawan sa mundo kung gano mu xa kamahal, saludo ako sayo bro.. basta, mahalin mu lang xa.. at ingatan...

Anonymous said...

Ngayon ko lang binasa..

"I’ve never felt anything so sure in my entire life…"

Me too. Ever.

yAnaH said...

grabe!
nakita mo ba sila?
andyan sa paligid mo..
pinalilibutan ka...
hindi mo ba nakita?
ung mga langgam sa gilid mo?
nilalanggam ka sa sobrang kasweetan sa katawan
nyahahahaha

kainggit naman yan...

Ycej eiram said...

Ang sweeeeeettttt mo naman! :D

ORACLE said...

@Jhosel

Salamat! Sa iyo rin kapatid! =)

@Aisa

Haaaaay. Yeah nakakatakot talaga. Wala naman nagmahal na hindi sumusugal. But that's the point. You have to open your heart to it. Pain is a small price to pay if you are to find true love. Well sa akin po yun. Wishing you the best Aisa. The Love you deserve.

Ako at ang mahal ko ay iisa. Kung paano ko iniingatan at minmahal ko ang sarili ko. Mas lalo akong ganun sa kanya... Salamat! God Bless!

@Miss Dylan

Never felt anything so sure in mylife... na ALIEN AKO ano? Hindi totoo yun. hahahah... Tnx! =)


@Yannah

Natawa ako dun..... Salamat!


@ycej eiram

Thank you... Love will find you too. God Bless!

Anonymous said...

wow!!!nakakatuwang basahin...
nakakarelate aako..
sarap mainlove..
best wishes po sau,