Tuesday, February 10, 2009

Si Andro...


(Ang kwentong iyong mababasa ay batay sa tunay na karanasan. Ang mga pangalan at ibang detalye ay sadyang binago upang protektahan ang identity ng may akda)

“Dumating na ang tagapagmana” Eto ang nasabi ni Lola Anjang.

Si Minandro ay bunso sa limang magkakapatid. Mula sa pamliyang masasabing maginhawa at tahimik lumaki si andro. Paborito siya ng kanyang ama. Ang kwento ng kanyang ina, sanggol palamang si Andro, lagiging sinusigurado ng kanyang ama na siya ay gisingin at laruin pagkagaling sa trabaho….

Wala pang isang taon gulang noon nang unang nakapagbigkas ng salita si Andro. “Hindi karaniwang bata” ang malimit na sabihin ng mga amiga ng kanyang ina. Kung ang iba “tay” “nay” o “momom” ang unang salita, si Andro naman “Madyik”. Gawa narin siguro nito ng mga kwento ng kanyang ama gamit ang mga libro na binili pa sa ibang bansa at paglalambing sa tuwing ito ay darating upang ibigay ang pasalubong galing sa trabaho…

Maagang natuto si andro maglakad at magbasa. Kaya naman nang una siyang pumasok sa
eskwelahan mabilis itong nagging paborito ng mga guro. Hindi masasabing bibong bata si andro. Sa katunayan sa kabila ng kanyang napakamurang edad na dapat sana ay makulit at matigas ang ulo, siya ang batang masasabing may pagka “autistic”. Parang may sariling mundo na kung papansinin ay laging tulala. Blangko na para bang robot na ni re-record ang bawat bulalas ng kanyang mga guro. Ang kakulitan ni andro ay nakamamangha. Dahil ang kakulitan niya ay mararamdaman sa kanyang mga walang katapusang pagtatanong. Tungkol sa maliit at malalaking bagay na nakapaligid sa kanyang murang isipan…

Isang hapon pauwi mula sa eskwelahan, kasama si Ate Angel, napansin ni Andro ang isang kakaibang hugis ng ulap sa langit “Ate nakikita mo ba yung cloud na yun?”. Nairita si Ate Angel at naputol an gang kanyang pakikipaglandian kay Mang Totoy na nagdradrayb ng sasakyan. “Andro, pwede ba? Matulog ka na lang dyan sa likod! Isuot mo yang seatbelt mo. Huwag ka nang maraming tanong! Lintik na bata ka!”. Dali-dali naman sumunod si andro at ipinikit ang mga mata sabay yakab sa kanyang knapsack puno ng mga libro at notebook. Maya-maya pa, biglang may sumalpok na dumptruck sa kaliwang bahagi ng kotse tangay pati ang mga kaluluwa ni Mang Totoy at Ate Angel. Parang lata ng sardinas ang sasakyan na tinapakan ng higanteng paa…

Pagmulat ng mga mata ni Andro, nakita niya ang kanyang Lola Anjang at kanyang Ina na lumuluha sa sulok ng kwarto. Maraming nakakabit na kung anu anong aparato sa kanyang katawan. Walang nararamdamang sakit si Andro ng mga oras na yun. Katunayan, namangha pa siya sa mga hitsura at tunog ng mga gamit na sumusuporta sa kanyang patuloy na paghinga. Sa kabilang banda naman, pilit hinhanap ni Andro kung saan nangagaling ang tunog ng piano na tila nagpapakalma sa kanyang takot. Huni na para bagang umaawit ng kapayapaan at paghilom sa maliit na katawang nabugbog ng trahedya sa highway…

Makalipas ang ilang araw, nakapag salita na si Andro. Nakatinginan silang dalawa ng kanyang Lola Anjang at ito ay napangiti. Agad tinanong ng kanyang Lola “Apo ano ba nakita mo?” Laking gulat ni Andro “Ano po la?” “Ano nakita mo?” Tanong ulit ng matanda na puting puti na ang mga buhok na may makapal na salamin. “Ulap po na hugis kabayo na may katabing kandila” sagot ni Andro. Napatawa si Lola Anjang. “Kumain ka na… uuwi na tayo bukas”

(Itutuloy…)

4 comments:

Anonymous said...

hahaha, question:
1.) talaga bang gusto mong gamitin ung astronomy and para mabuo ung image ni orakulo?
2.) mahusay ung pagkakagawa mo ng mga talata, pero may ilan na walang dereksyon, nag hahalo ang moderno at lumang salita.. siguro mas mahusay kong ma-edit pa ito ng ilang beses para hindi nakakatawang basahin at masmabilis na maunawaan.
3.) gusto ko lang itanong ko kapatid mo ba si BOB ONG? or talagang ginagaya mo lang ang mga istilo ng kanya mga sinulat na libro... ano paman, mabuhay ka sa paglalahad ng totoong ikaw. dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang gawin ang mga bagay na tulad nito.. ipag patuloy mo pa...

Anonymous said...

I inclination not concur on it. I over precise post. Specially the appellation attracted me to read the intact story.

Anonymous said...

Nice brief and this enter helped me alot in my college assignement. Say thank you you on your information.

Anonymous said...

Opulently I acquiesce in but I dream the list inform should secure more info then it has.