Ako ay ikaw at ikaw ay ako. Ang lahat ng ikaw ay ako. Lahat ng naranasan mo, mula ng ikaw ay ipinanganak hanggang sa kasalukuyan, naranasan ko rin. Lahat ng natutunan mo ay natutunan ko rin. Sa mundo kung saan tayong dalawa ang patuloy na magsasama hanggang sa huli.
Batid ko ang pagod ng iyong utak at puso sa patuloy mong pakikibaka sa mga kahibangan ng tao. Oo, kasama ka na roon. Tao ka rin. Napapagod, naguguluhan at nalilito. Normal lamang ito. Nang ikaw ay ipinanganak, sadyang binigyan ka ng puso para makaramdam at utak para maka pag-isip. Sadyang magkahiwalay. Minsan magkasundo, minsan magkatunggali.
Puso para makaramdam ng saya at lungkot, galak at pighati, pag-ibig at sama ng loob. Utak para maintindihan ang tama sa mali, ang sobra sa kulang, ang naaayon sa kalokohan. Ang pagtatagpo nito ang iyong kaluluwa. Ang siyang kabuuuan ang iyong puso’t isipan na pinagsama.
Nakakapagod. Nakakalito. Nakakainis. Mga pagkakataon na ang dalawa ay magkatungali. Na tila ang puso mo ay hindi naayon sa iyong utak. Isang digmaan ng pagkatao, na ang isa ay hindi pumapayag magpatalo sa isa. Alam mo sa isipan mo ang dapat mong gawin, ngunit ayaw ng puso mo. Minsan naman gusto ng puso mo, pero kinaayawan ng isipan mo. Nag bubulag-bulagan. Nag bibingi-bingihan.
Mahirap at masakait man, doon mo mararamdaman at malalaman ang tunay na kagustuhan ng iyong kaluluwa. Ang importante, huwag na huwag mo pabayaan ang dalawa. Huwag kang mangampi. Huwag mo kalimutan ang iyong puso dahil lamang sa kagustuhan ng iyong utak. Ito ang dahilan kung bakit marami ang siyang nabubuhay na walang tunay na kaligayahan sa sarili. Pakiramdam ng kawalan, pakiramdam ng pagkabato, pakiramdam ng isang bagay na walang buhay.
Huwag mo rin baliwalaain ang iyong utak dahil sa kinasasabikan ng iyong puso. Marami ang naliligaw ang landas dahil dito. Nasasaktan na hindi naman dapat. Kawalan ng direksyon sa buhay, kawalan ng katuturan sa lahat ng ginagawa. Kawalan ng pag-asa. Pagkaipit o pagkakulong sa isang kahon na tila isang laruan na walang pakinabang.
Sa ultimong pinakamaliit na bagay sa buhay, hanggang sa pinaka kumplikado, ito ang realidad ng kabuuan mo. Ang importante matuto kang manahimik. Matuto kang magpahinga. Pahinga ng kalooban at isipan. Mapapagod din yang dalawang yan. Wala ibang pwedeng patunguhan iyon kundi pagkakasundo sapagkat sila ay tunay na iisa.
Ang importante wala kang kinakalimutan o kampihan sa dalawa. Alam ng kaluluwa mo kung hindi ka patas. Ibinubulong ito ng iyong kunsensya, ng sentido kumon. Mahirap kung tutuusin. Ngunit dito mo masusukat ang katibayan ng iyong pagkatao. Dito mo malalaman ang tunay mong kagustuhan at mga paninindigan. Dito mo makikilala at matatanggap ng buo ang iyong sarili. Upang sarili ay mahalin ng tapat at buo, para mahalin ang iba. Ito ang agimat mo, ito ang sikreto mo. Mga binhi ng sari-saring kapangyarihan…
Kapangyarihan maglakbay sa buhay na walang agam agam…
Kapangyarihan magpakatotoo sa puso’t isipan…
Kapangyarihan makamit ang tunay na kaligayahan…
Kapangyarihan laban sa anumang pagsubok na darating…
Kapangyarihan upang patuloy maglakad sa paroroonan…
Maniwala ka…Matuto ka… Mabuhay ka…
Nagmamahal ng Lubusan,
Orakulo
13 comments:
seryoso, gusto ko magkumento tungkol dito sa sinulat mo... kaya lang medyo nanosebleed yata ako..
ang lalim...
ahehehe...akalain mo ba naman na sulatan mo ang iyong sarili...ayuz...
ok ang post parang sinusulatan mo ang isang alien na maniwala ka tao ka din katulad ko...may puso at may isipan...
may damdaming nasasaktan..natututo...may patas na pagtingin sa mga pagkakataon daan yun para sa tamang desisyon...
wag kang mag-alala naniniwala naman ako na existing ka... :)
..napakalalim.. Kasing lalim ng kalawakan...
..kapangyarihan ang magdadala at magpapalakas para maabot ang tugatog na pinapangarap.. Naniniwala ako sa kapangyarihan ng bawat tao.. Iba-iba man iisa lang ang maaaring isigaw ng puso't isipan..
.."may kapangyarihan ka!" gamitin ito para matunton ang tamang daan, gamitin ito para malaman ang bawat sikretong nakakubli..
...kilala kita, kilala ka nila, isa kang ALIEN na makapangyarihan..go idol O!..
I thought you're in the midst of confusion here. Ako pala ang confused sa mga nababasa ko sa posts mo..
Magaling ka lang sigurong magsulat para madala ako sa mga nababasa ko.
I can tell you're a smart person and, uhm, well, ang dami kong gustong sabihin about you as if I've known you pero sa totoo lang I have no idea,so wag na lang.
Kailangan bang related sa post mo ang comment? Cause I think this one's not. Wehe.
God bless your heart Oracle!
Blessed to meet you here.
Amen!!! lolzz Ayos pre ah...para lang nasa harap ka ng salamin at sinesermunan ang iyong sarili :D
gusto ko ang paglalatag mo ng katotohanan ng buhay. kung paano tayong lahat ay hindi nakakaligtas sa digmaan ng pagkatao. at ang realidad kung paano natin kausapin at kumbinsihin ang sarili tungkol sa mga bagay-bagay!
kadalasan, masarap tumingin sa salamin upang makita ng tagusan ang totoo nating kabuuan.
hanga ako sa angkin mong talento sa pagsusulat. napakalawak ng sakop ng iyong isipan! gamitin mo sana ang kakayahang ito upang madaming tao ang matuto sa buhay! patuloy kang maglakbay kasama si Superman!
magandang araw sayo.
napakalalim.. oh, what do i expect? lol. malalim naman lahat ng posts mo. pero i like all the messages na gusto mong ideliver..
yea. there are times na nagcoconflict nga ang puso at isip.. dahil tao ka lang din, kahit may dugong ALIEN ka. ahehe.
pero at the end of the day. alam ko naman na kaya mo tagumpayan ang battle b/w mind and heart. as shown in your post. ahehe.
haiz..
Mabuhay ka Orakulo!
[Gumamit ng utak?! Whew!]
Madalas ang mga pagkakataong nagpapasya o naghahatol tayong hindi parehong utak at puso ang ginamit. Anuman ang pilit natin sa ating sariling gamitin ng sabay ang dalawa, talagang may isang nangingibabaw.
Matapos bigyang halaga ang pagiging tao noong Miyerkules ng Abo, heto't ang pagiging Superhero na naman ang usapan- kapangyarihan. Ibig mo bang sabihin na ang tao ay likas na makapangyarihan, kung ginagamit lang ang kapangyarihang kaloob ng Diyos?
Nakakahiyang basta nalang mag-iwan ng naiisip o nararamdaman dito sa Orakulo, 'gumamit ng utak' pa naman ang nakasulat sa halip na PUNA.
@gillboard
malalim ba? hindi naman. maaring aspeto lang ito ng tao na hindi malimit nating naiisip. Minsan kasi ora-orada tayo magdesisyon o kumilos. Nakakalimutan natin bigyan ng pagkakataon ang ating sarili na himayin ang anumang bumabagabag sa atin... Salamat =)
@superG
"wag kang mag-alala naniniwala naman ako na existing ka... :)"
At naniniawala rin ako na exsisting ka parekoy! heheehe... Salamat! =)
@hidden
"Naniniwala ako sa kapangyarihan ng bawat tao.. Iba-iba man iisa lang ang maaaring isigaw ng puso't isipan..
.."may kapangyarihan ka!" gamitin ito para matunton ang tamang daan, gamitin ito para malaman ang bawat sikretong nakakubli.."
Korek! Lupit mo talaga hidden! Lahat ng tao may kapangyarihan. Kapangyarihan mamili o gawin ang tama para sa kanyang sarili.
Mabuhay ang mga taga ibang planeta! hehehe.... =)
@Dylan
"Magaling ka lang sigurong magsulat para madala ako sa mga nababasa ko."
Weh!? hindi ko alam kung magaling ba ako, ang alam ko lang i speak my heart, ugaliing malinis lagi ang intensyon... Maraming salamat Dylan!
More blessed to meet you...
Hope to know you more...
God bless your heart too Dylan. =)
@lordCM
Hahaha! Korek ka dyan pare! Minsan kailangan natin sermonan ang ating sarili. May iba na matigas ang ulo, ayaw makinig sa iba, pero nakikinig kung sila na mismo ay kausapin na ng sarili nila. Ingat nga lang dapat, baka sumobra at dalhin sa Mandaluyong. Hehehehe.....
@AZEL
"kadalasan, masarap tumingin sa salamin upang makita ng tagusan ang totoo nating kabuuan."
Ito ang malimit nakakaligtaan ng tao. Ang harapin ang sarili ng buo. Sa isang mundong nakabibingi, na ang oras ay tuloytuloy, nakakalimutan na minsan natin huminto at kamustahin ang ating sarili bilang isa pang kapwa nilalalang na nangangailangan din ng makikinig sa kanya bilang siya...
Salamat AZEL! Isa akong tagahanga. Ang mga tula mo ay mga katotohanan ng buhay na malimit nakakaligtaan na. God bless you. =)
@Jhosel
Maraming salamat Nurse Jhosel! =)
@RJ
"Madalas ang mga pagkakataong nagpapasya o naghahatol tayong hindi parehong utak at puso ang ginamit. Anuman ang pilit natin sa ating sariling gamitin ng sabay ang dalawa, talagang may isang nangingibabaw. "
Tumpak! Kaya dapat mag iingat tayo sa ating mga desisyon kung ayaw natin pagsisihan ito sa huli. Ang punto ko lamang dito ay huwag baliwalain ang pulong ng puso at isip.
Emotions and rational thinking. Some people opt to base decisions on emotions alone, or vice-versa. Thus leading them to certain complicated situations na hindi naman dapat in the first place.
"big mo bang sabihin na ang tao ay likas na makapangyarihan, kung ginagamit lang ang kapangyarihang kaloob ng Diyos? "
Makapangyarihan ang tao dahil sa taglay na biyaya ng Kalayaan mag desisyon. Freewill. Choices. Tanging ang tao lamang ang nabiyayaan nito na may puso at isip na maaring gamitin. Lahat tayo ginagamit ito, yun nga lang may mga pagkakataon na mali ang gamit natin dito...
Kahit anong puna ay okay lang. Basta ito ang pinaniniwalaan mo.
Maraming salamat po sa pagdaan...
God bless! =)
Post a Comment