Thursday, February 12, 2009

Soulmates... Naniniwala Ka ba?

Sa dinami-daming mga nababasa nating mga fairytale, hanggang sa mga teleserye na napapanood sa telebisyon, hanggang sa mga nobela na tinaguriang bestseller at mga pelikulang box-office hit, hindi makakaila na lahat tayo may konsepto ng salitang SOULMATE...

Soulmate... Isang nilalang na tila bagang nakalaan para sayo. Isang tao sa bilyon-bilyong tao sa mundo na patuloy na humihinga kada araw. Kapareha na itinakda ng tadhana na syang tunay na magpapakumpleto sa pagkatao at kaluluwa mo. Pag-ibig na perpekto sa isang hindi perpektong mundo...

Sa ating patuloy na paglalakabay sa agos ng buhay, marami sa atin ang nakaranas ng umibig. Marami narin sa atin ang sinuwerte na ibigin pabalik ng ating minamahal. Ngunit sa mga karanasan nating ito (sa mga nasa relasyon at nanggaling sa relasyon) masasabi mo nga ba na kinakasama mo ngayon, ang hinahalikan at niyayakap mo, ang siyang sabihan mo na I LUV YOU ay ang soulmate mo? Hmmm... Paano mo nga ba malalaman kung ang iyong minamahal ang siyang nakatakda sa iyo? Paano mo masasabi na ito nga ang para sayo at hindi ka nag sasayang ng oras na iyong iginugugol para sa kanya?

Maraming konsepto ng Pag-ibig ang tao. Ano nga ba talaga ito? "One-sided" na pakiramdam lang ba ito na ating nararamdaman? Ito ba ay isang temporary "moment" na kung saan ang dalawang kaluluwa ay tila nagkakasundo na magmahalan? Na kung sakali bumitaw ang isa o di kayay manlamig ang isa, ibig sabihin ba nito ang pag-ibig lumilipas na din? O di kaya'y ito ay isang kahibangan lamang ng tao upang punuuin ang kalungkutan ng pagiging mag-isa?

Sa lahat ng mga tanong na ito, masasabi natin isa lang ang "common" sa lahat. Eto ay ang punto ng hindi kasiguruhan. Totoo. Walang tinatawag na "sure ball" sa mortal na dimension na ating kinasasadlakan. Kaya tama rin kaya na hindi dapat isarado ng tao ang kanyang utak sa kunsepto ng soulmate?

Since many need soulmates in specified time frames,

they focus their searches to lessen the wait.

Sadly they don’t know that escaping their destiny

is harder than waiting to uncover their fate.


This sacred salvation is a divine revelation

at the moment two souls recognize --

that this magical reunion of soulmates

is a union with God in disguise.

Sa aking pagmumuni-muni sa walang katapusan kong mga tanong, napagtantuhan ko na OO, naniniwala akong lahat ng tao ay may itinakdang soulmate. Isang soulmate na siyang tunay na nakalaan para sa kanya. Nakalaan na magkaintindihan, magkasundo, magmahalan, magtulungan at higit sa lahat magbigayan sa lahat ng pagkakataon na kanilang pagsasamahan sa mundo at sa susunod na buhay. Hindi ko sinasabi na ito ay isang "perpektong" relasyon na kung saan ang walang tampuhan o gulo na maaring mangyari, ngunit masasabi ko na ito ay perpektong relasyon dahil sa bawat gusot na kanilang pinagdadaanan, ito ay nauuwi sa mas matinding pagmamahalan at pagkakaunawaan. Ito ang kunsepto ko ng Tunay na Pag-ibig. Pag-ibig na siyang nagdudugtong sa dalawang kaluluwa.

Sa aking paningin, lahat tayo nabibigyan ng pagkakataon upang matagpuan ang soulmate na nakalaan sa atin, ngunit sa maraming dahilan na tayo madalas ang gumagawa, nabubulag tayo sa pagkakataon na ito, pagkabulag sa ating mga maksariling hangarin, kung kaya't mas marami ang lumipas sa mundo na hindi nabiyayaang maramdamang makapiling ang nakatakda para sa kanila. Kung tutuusin 1 : 5.1 Billion. Mas possible pa tamaan ng kidlat at tumama ng lotto ng 5 beses magkakasunod. Pero kaya nga tinawag itong "Magic" o di-kaya "Miracle". Kailangan mo maniwala upang ito ay makita.

Paano ngayon ang mga nasa isang relasyon? Soulmate mo nga ba yang kinakasama mo? Nag-aaksaya ka nga ba ng oras sa kanya? Minamahal mo siya, ngunit siya nga ba ang nakalaan para sayo? Paano na ang Soulmate mo? O Marami kang Soulmate? Naniniwala ka nga ba?....

26 comments:

Chyng said...

Hi!

Im not sure sa definition ng soulmate, pero I know your soulmate is within 2kms radius lang, meanign nasa tabi-tabi lang.

Agree sa "There's someone for everyone!"

=supergulaman= said...

ahehehe...ako naniniwala ako sa soulmate...na meron talagang tao na itinakda para sa iyo...kung wala man dumating baka nasa ibang panahon iyon...

sakabilang banda...ang grasya ko ay hindi naniniwala dito...ang sabi nya, hindi totoo yun kung hindi ka gagawa ng aksyon may mapapala ka ba?...

magkakaiba ng pananaw...pero ayuz lng mahal ko naman sya.. :)

Amorgatory said...

yup i do believe in soulmates, actually prang nakita kow na sya lately heheh..

ORACLE said...

@Chyng

wow! within 2kms lang? ma suyod nga mamaya. hehe.
Yeah, exactly. Someone... the question is who is that someone. 1 in 5 billion people... ang saya!

@SuperG

Baka kasi siya na ang Soulmate mo SuperG. Para di ka na malito at maghanap pa... yahoo! =)

@Amor

Ako rin! Na meet ko na siya. Pero hindi pa hinog ang pagkakataon. Pero masayang masaya ako dahil na meet ko siya. hehehe...

eMPi said...

SOULMATE? ayan... daming naghihintay sa kani kanilang soulmate... san nga ba sya? at sino siya? pano mo malalaman na siya?

gillboard said...

di naman kelangan syota mo soulmate mo... meron akong kaibigan, feeling ko soulmate ko siya kasi halos lahat ng bagay magkasundo kami.

Pero ni minsan di ko inisip na ligawan siya o kaya nama'y nagkaroon ng malisya saming dalawa.

iamsupersam said...

..soulmate?... ewan ko kung totoo ito...pero paano mo nga masasabi na siya ang "soulmate" mo?...

jhosel said...

..soulmate. hmm. sa tingin ko you'll just feel na SIYA na. pano? i dunno. it just happens.
ahahay.

Marlon Celso said...

This is an interesting post. Actually first time ko dito, interesting blog i must say.

Soulmate, I should believe that there is that one for me, given that I'm single and I haven't found that person yet. Most people who believes it are hopeful that there is that one person, somewhere out there whom they'll come to love and will love them back.

For others, soul mate is that one person you choose to love for the rest of your life. It's a person who is not necessarily born for you, but it's the person whom you'd like to die with.

It could mean a lot to many people, but me. I still believe in love, so i believe that the person will come. regardless of how long the wait is.

exchange links? thanks for the drop and the comment.

Anonymous said...

uhm, soulmate! nasan ka na ba?

Out of billion people out there, merong nag-iisa jan. Iisa lang sya sa mundo.

I don't know if I already met him, cause I'm really not looking. Well, he is. And he must be looking for me. ahaha!

True love waits.
Ganda na post mo..

cheers!

P.S.
Your profile, well, don't know if you're a man or woman, alien from the galaxy, age.. but it's okay, hehe.. Just wondrin'.. and curious.;)

. said...

Gusto ko sanang maniwala na may soulmate, subalit ang konseptong ito ay masyadong malalim upang arukin ng aking diwa.

Ang tanging pinaniniwalaan ko lang ay sadyang may mga taong itinakdang maging bahagi ng ating buhay. Hindi natin sila pinipili subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan, kusa na lang silang dumarating at nagsta-stay.

Amorgatory said...

hahah ang saya no?un nga dn sakin d pa tlga time pero na meet kow na weeeeeeeee

ORACLE said...

@Marco

Sabi nila you just know. It's something un-explainable. Yung tipong no words for it. Out of this world. Mala alien! Hehehe... It does makes sense though.. Soulmate. Magic!

@Gillboard

Well they say a soulmate is someone or something that makes us more beautiful or more complete. It is not limited to finding a person who we want to marry or spend the rest of our life with.

Hmmmm...

Baka kasi wala pa sa tamang oras kaya di niyo pa napgiisipan yun... Hehehe

ORACLE said...

@hidden

You just know. You feel it to different degree daw. It's something like you've really never felt before. Para bang this is it! THE ONE! parang ganun... ewan ko ba! hehe. Pero masarap siya isipin. Ergo, naniniwala ako. Coz something that nice shouldn't be impossible.

@jhosel

yeah. exactly. Impassioned affection is a euphoric connection for soulmates who are destined to find a heightened serenity and enlightened identity as they unite with their partner’s heart, soul and mind. Well, that's what they say... Exciting no? =)

ORACLE said...

@Marlon

Thank you for dropping by! Na-add na kita.

Well good for you. We share the same belief.
Kahit it's kinda teenagerish i don't think it's that improbable. For some people, a soulmate is only a fantasy and for others, it is the discovery of paradise in this world. Sometimes, soulmates are actually disguised as friends. Without continual faith and a belief in the power of mystery and magic, soulmates could never be real; because if we believe that soulmates don’t exist, they never will.

ORACLE said...

@Ms. Dylan

Grabe ano? 1 in 5 Billion! It's just amazing!

Well they say you really don't have to look for your soulmate. Coz It will just come, and when he comes, you just know it.

Yeah baka he's looking for you! hehe.
Malay mo he found you na... and just waiting for the right moment just as you said true love waits. And i believe so too.

hahaha...details...
yeah, i'm a guy from another planet!
Searching for the best coffee in the universe...Lolz!

Curiosity is good. It's exciting.

Thank you for dropping by.. =)

ORACLE said...

@Mugen

Masyado ba malalim? But you just defined it yourself.... Galing!

"Ang tanging pinaniniwalaan ko lang ay sadyang may mga taong itinakdang maging bahagi ng ating buhay. Hindi natin sila pinipili subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan, kusa na lang silang dumarating at nagsta-stay." -SOULMATE =)

@Amor

Pareho tayo mare! Pero bakit ganun ano? Sa akin kasi bakit hindi ako napapagod sa paghintay? Siguro ganun talaga yun. Haaaay. Weird. =)

Anonymous said...

a pleasure to be here.. ;)
feel free to drop by sa site ko once in a while..

a guy from another planet ei, baka kasi magka-planeta tayo eh, lolz

ORACLE said...

@Miss Dylan

i do drop not once... but many times in a while...hehehe

hmmm.... baka nga! hehe

dreamberl said...

Soulmate? tama ka nga sa dinami-dami ng tao may isang taong nakalaan para sa iyo, minsan nga lang sa tagal mo ng naghahanap... Nakakapagod din pala. I do once fell in love at para sa akin siya na ang first love ko, ang soulmate ko. Because of him naniwala ako sa lahat ng ka-weirduhan sa mundong ito, like love, destiny, serendipity, magic, at fairytales. Ewan ko ba siguro ganun talaga kapag tinamaan ka na ng spell ng love, minsan sobrang saya mo then nasasaktan ka din naman at the same time kasi as we all know hindi naman ng love story ay happy ending like mine :(

How i wish na wala nalang ending para naman happy na ako. :) pero minsan talaga ganun talaga hindi lahat ng gusto mo para sa iyo but then again masaya na ako kasi kahit papaano nakilala ko ang soulmate ko at naramdaman ko na yung feeling na matagpuan siya, parang kalahating parte ng buhay mo nabuo at nahanap mo na. That's why im glad i found him.

Hindi man kammi sa huli maybe at the right time, place, and love makikita ko naman ang TRUE LOVE ko at sa pagkakataon na iyon mamahalin na din ako at mamahalin ko na din siya. Sana malapit na....

Unknown said...

Ganyan din ng yari sa akin nung pinakita nya sa akin yung luma nya na litrato nakita ko na yon hindi ko lang alam kung saan then tinanong ko sya kung may kasama sya doon that time isang babae at lalaki na medyo may kaidaran then blond ang buhok sabi nya meron raw uncle nya at auntie nya.amaze diba

Unknown said...

Paano po kung may matanda ng sabi sayo na you have a soulmate tapos nasabi niya ang physical? Tapos po kasama KO best friend KO pero ako lang ang sinabihan.

Anonymous said...

Ang tagal na nito ha, dalawang taon pa lang nito

Anonymous said...

*Dalawang taon pa lang ako nito.

Anonymous said...

Gusto ko na rin maniwala sa soulmate pero sometimes hindi ako naniniwala.

Anonymous said...

Pero may signs naman nagsasabi ito na ang tao hinihintay mo dumating

1. Una pagkikita niyo ay mayroon attraction sa pagitan niyo.

2. Kapag ang puso mo ay hindi bumilis sa pagtibok.

3. Walang pag-aalala ibinabahagi mo ang iyong nakaraan na hindi hinuhusgahan.

4. Nakokompleto ka niya.